Una sa Balita

SHARAPOVA OUT, WILLIAMS IN

0 9

Natapos na ang comeback ni Maria Sharapova sa unang major tournament niya makalipas ang halos 15 months nang mabagsakan ng doping suspension.

Kahit ang pagpapalit ng raketa para mas maganda ang lefty shots, hindi naisalba ang five-time major champion na ituloy ang Grand Slam comeback.

Out na si Sharapova sa US Open, nasibak sa fourth round nang kapusin kay 16th-seeded Anastasija Sevastova ng Latvia, 5-7, 6-4, 6-2, nitong Linggo sa Flushing Meadows sa New York.

“It’s been a really great ride,” anang 30-anyos na Russian, tumapos ng 51 unforced errors kumpara sa 14 ni Sevastova.

Dahil exit na si Sharapova, si Venus Williams na lang ang naiwang dating US Open champion sa women’s play.

Abante sa quarterfinals ang 37-anyos na si Williams, ibinulsa ang title noong 2000 at 2001, sa bisa ng 6-3, 3-6, 6-1 victory kay Carla Suarez.

Sunod na haharapin ni Williams ang two-time Wimbledon winner na si No. 13 Petra Kvitova na 7-6 (3), 6-3 winner kay reigning Wimbledon champion Garbine Muguruza.

Huling naglaro sa isang major si Sharapova noong January 2016 sa Australian Open nang magpositibo sa newly banned drug meldonium.

Bumalik siya sa tour nito lang April, pero napakababa ng ranking kaya hindi nakapasok sa Grand Slam events.

Hindi siya nabigyan ng wild card sa French Open, sinubok niyang mag-qualify sa Wimbledon pero umatras din dahil sa injured left leg.

Binigyan siya ng wild card sa US Open, marami ang sumuporta pero may kumontra din kabilang si dating No. 1 Caroline Wozniacki.