Una sa Balita

Sharapova abante sa 3rd round

0 5
Kagat-labing ibinalik ni Maria Sharapova ng Russia ang bola sa kalabang si Timea Babos ng Hungary sa kanilang sagupaan sa 2017 US Open women’s singles sa USTA Billie Jean King National­ Tennis Center sa New York. (AFP)

NEW YORK (AFP) — Abante si former world number one Maria­ Sharapova ng Russia sa third round ng US Open, ­Miyerkules.

Si Sharapova, nilaglag si second-ranked Simona Halep sa kanyang unang Grand Slam match matapos ang 15-month doping­ ban, ay nanaig kay 59th ranked Timea Babos ng Hungary, 6-7 (4/7), 6-4, 6-1.

“It wasn’t my best tennis,” ani Sharapova. “It was scrappy tennis but sometimes those kind of matches are a lot of fun and this was one of those days.”

Sunod na makaka­sagupa ni Sharapova, 30, ang Russian-born US teen na si Sofia Kenin.

Magugunitang pinatawan ng suspension si Sharapova matapos mag-positibo sa meldonium sa 2016 Australian Open.

“Everyday I have the chance I have to play at the US Open is a special day and I’ll look forward to the next one,” lahad pa ng 146th-ranked na si Sharapova.

Si fourth seed ­Alexander Zverev, may limang ATP titles ngayong taon kasama ang panalo kay Roger­ Federer sa Montreal final, ay yumuko kay 61st ranked Croatian Borna Coric, 3-6, 7-5, 7-6 (7/1), 7-6 (7/4).