Una sa Balita

Shaq kina Reyes, Lazaro: Tulungan n’yo mga import!

0 249

MALAKING bagay sa patuloy na pananagasa ng defending champion Petron Blaze Spikers ang kanilang imports na sina Stephanie Niemer at Katherine Bell.

Wala pa ring dungis ang karta ng Blaze Spikers at nais nila itong ipagpatuloy sa simula ng semifinals ng Phili¬ppine Superliga Grand Prix ngayong araw.

Makakaharap ng Petron ang Cignal HD Spikers sa Game 1 ng kanilang best-of-three semis sa alas-7 ng gabi sa FilOil Flying V Centre, San Juan.

Para kay Blaze Spikers¬ head coach Shaq Delos Santos hindi lang sa kanyang dalawang reinforcemnts huhugot ng lakas para makuha ang panalo, kakapitan din niya ang kanyang locals.

“I’m very happy with them (Bell and Niemer). They have been very professional and can easily adjust anytime,” saad ni Delos Santos. “But I also tell our local players not to rely on our imports. That’s why I’m so happy to see them respond and deliver the goods, whether on offense or on defense. This winning run is truly a total team effort from the girls.”

Ang tinutukoy na locals ni Delos Santos ay sina Mika Reyes, Aiza Maizo-Pontillas, Frances Molina, Denden Lazaro, Rhea Dimaculangan at Remy Palma. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy