Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Shane, Abdul pang-‘forever’ na ang tandem

0 141

Iba ang style ni Abdul Raman kay Shane Sava, ang leading lady niya sa Legal Wives. Na sa halip na purihin nang purihin dahil sa sobrang kagandahan nito, taliwas ang chika niya.

“Pag nakakaharap ko siya, pag nakikita ko ang mukha niya, naasara ako sa kanya. Uy, ang pangit mo, ang pangit mo! Ginaganiyan ko siya. Hahahaha!

“Para lang hindi ako masyadong ma-mesmerize sa ganda niya. Can anyone blame me? Look at her eyes! Ang ganda niya!” kuwento ni Abdul, na siyempre kilig na kilig naman si Shane.

Anyway, sila nga ang bagong love team na pasisikatin ng GMA 7, at ngayon pa lang, sinasabi nila na ‘forever and ever’ na ang pagsasama nila.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Hopefully magtagal talaga! Pero, huwag naman sa altar agad-agad!” sabi ni Shane.

“Sabi ni Shane, may possibility! Hahahaha!’ hirit ni Abdul.

Anyway, sa totoo lang, parehong guwapo, maganda sina Shane at Shane. Ang deskripsiyon nga nila, sila raw ang cookies and cream, at pareho silang mahilig mag-asaran. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.