Una sa Balita

Shameless! – De Lima

By ,
0 3

‘Shameless’ at mapanlinlang.

Ito ang itinawag ni Sen. Leila de Lima kay Pangulong Rodrigo Duterte at mga alipores nito na sina House Speaker Pantaleon ‘Bebot’ Alvarez, Justice Sec. Vitaliano Aguirre II at Solicitor General Jose Calida.

Reaksyon ito ng detenidong senadora sa diumano’y ‘palabas’ na paghuhugas kamay ng Pangulo sa ikinasang impeachment complaint laban kay Vice President Leni Robredo.

Pinagsabihan pa ng Pangulo ang mga nagsusulong ng impeachment na itigil na ito. Ngunit sa kabila ng pagpapatigil na ito ng Pangulo ay interesado pa rin si Alvarez na ituloy ito.

Dahil dito, para kay De Lima ay isang malinaw na panlilinlang lamang ang ginagawa ng Pangulo at kanyang mga alipores.

“Duterte tells his allies — Put off VP Leni’s impeach raps. But, for his men, notably, Alvarez, Aguirre and Calida, it’s a go…Typical duplicitous behavior of these men in power now. Shameless!,” ayon pa kay De Lima sa isang handwritten note.

Gayundin, tinawag ni De Lima na, “paranoia…also insecurity” ang patuloy na pagpaparatang ni Pangulong Duterte sa kanya at kina Robredo at Sen. Antonio Trillanes IV na nagpapasimuno ng destabilisasyon laban sa kasalukuyang administrasyon.

“Stifling criticisms and shunning international condemnation, irrationality of behavior and policies, constant animosity towards the Church, sell-out of our sovereign rights over our maritime domain, and rejection of accountability for the heinous acts of summary killings—these are a clear recipe for self-destruction,” patutsada ni De Lima.

“So don’t look at us please…,” pahabol pa sa sulat-kamay na statement ng senadora na nagdiwang ng ‘monthsary’ sa Custodial Center ng Philippine National Police sa Camp Crame noong Marso 24.