Una sa Balita

Shamcey Supsup, nagmumura pa rin ang kaseksihan

By
0 126

Whole week na nasa Eat Bulaga ang former beauty queen na si Shamcey Supsup dahil judge siya sa pre-pageant ng Miss Millennial Philippines 2017. Kahit noong 2011 pa siya nag-3rd runner-up sa Miss Universe, ­sobrang sexy pa rin ni Shamcey.

Kahit may restaurant business si Shamcey at ang ­mister niyang si Lloyd Lee, obvious na maalaga ang ­former beauty queen sa kanyang katawan. And speaking of her business, ilan na rin ang branches no’n ngayon.

MMK ni Maricel, wagi sa rating

Mataas ang rating ng MMK (Maalala Mo Kaya) episode ni ­Maricel Soriano noong Sabado. Umaasa ang fans ng ­Diamond Star na magkakaroon ng regular series sa ABS-CBN ang kanilang ­idolo.

Wala pa rin naman daw kupas si Maricel. Ilang shows din ang ­ibinigay ng GMA 7 kay Maricel at mukhang magbabalik-­Kapamilya na rin siya katulad ng co-Underage beauty niya na si Dina ­Bonnevie na may ginagawang series ngayon sa nabanggit na TV network.

Ang co-Underage beauty naman nina Maricel at Dina na si Snooky Serna ay mukhang maiiwan sa ­Siyete dahil may hinihintay daw itong series doon. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy