Una sa Balita

Shakira wanted sa Spain

By
0 2,337

Pinaiimbestigahan ngayon ng Spanish tax authorities ang Colombian singer na si Shakira dahil sa hindi nito pagbayad ng kanyang income tax noong taong 2011 hanggang 2014.

Ito raw ang mga taon na tumira siya sa bansang Spain at isang krimen ang hindi pagbayad ng tamang buwis.

May estimated fortune na $200 million si Shakira at nag-deny ito sa tax evasion issue dahil from 2011 hanggang 2014 ay lagi siyang nasa labas ng bansang Spain.

Pinagdiniinan din ng Latin singer na maayos ang kanyang mga binabayarang buwis.

Sa Bahamas na nga raw nakatira officially si Shakira. Umalis daw siya ng Barcelona, Spain noong 2015 kunsaan tumira sila ng ilang taon ng kanyang asawang si Gerard Pique at ng dalawang anak nila na sina Mila at Sasha.

Ayon pa sa tax authorities ng Spain, ang tax bill ni Shakira ay aabot sa milyon-milyong dolyares kung hindi niya maaayos ito.

Nag-hire pa raw si Shakira ng isang auditing firm para ayusin at imbestigahan ang diumano ay utang daw niya sa bansang Spain.