Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Shaina natakot sa ‘Ang Probinsyano’ taping

0 72

Kahit sa gitna ng MECQ (Modified Enhanced Community Quarantine) dahil mataas pa rin ang kaso ng COVID-19, at may mga Kapamilya star na tinamaan ng Coronavirus, matapang na sinasagasa ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ team ang matinding banta na ito.

Ibinalita ni Shaina Magdayao sa Instagram ang pagbabalik taping ng produksyon. Ito rin ang unang pagkakataong babalik uli sa serye si Shaina matapos itong magpahinga ng ilang buwan, pati sa social media.

Nagposte si Shaina sa Instagram ng sunset view at may nakasulat sa location na ‘in the bubble’.

Kasabay nito ay ang paghingi ng dasal ni Shaina sa kanyang mga follower.

“Aaaaand we’re back inside the #FPJAP bubble. Lord, please keep the whole world FPJAP Family safe as we fulfill our duties to serve our network and share the talents you have blessed us with,” sabi ni Shaina.

KC lalayas na sa condo

‘Wag kayong manibago sa mga susunod na posting ni KC Concepcion lalo na tungkol sa kanyang tinutuluyan. Ayon nga sa dalaga ay lilipat na siya ng tirahan.

Naging palaisipan sa mga follower ang post ni KC sa Instagram ng sketch kung saan makikitang kumakain ng pizza at tumungga ng bote ng wine ang babae.

Sa caption nagbigay ng ideya si KC ng paglipat niya sa isang tunay na bahay mula sa tinutuluyang condo.

“This was the moment i decided to move out of my condo and into an actual house. Yup, I’m moving! So some good decisions come from unexpected (unguarded) moments,” sabi ni KC.

Anyway, kilala naman si KC sa mga biglaang desisyon nito, pero pagdating sa kanyang negosyo at passion ay sigurado talaga siya.

Ina pinaiyak ng anak

Nginatngat ng lungkot at naluha si Ina Raymundo para sa kanyang anak na lalake na si Jakob. Sa kauna-unahang pagkakataon hind naging bahagi ng birthday celebration ng kanyang binatilyo si Ina.

“Happy 17th birthday son. It’s your first time to celebrate your birthday far from mama which is kinda sad (actually very sad) wish i can give you a big hug right now. You’re still my baby boy until you’re 18 (no make it 21). I love you son and we miss you extra today! Have fun with dad #jakpot,” sabi ni Ina.

Ilang buwan na ngang namamalagi ang anak ni Ina kasama ang tatay nito. Atleta si Jakob, at dumadayo ang team nila para makipag-compete.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.