Una sa Balita

Shaina nasaktan sa lambingan nina Julia, Paulo

By
0 622

Naganap na nga ang kasal nina Ana (Julia Montes) at Gael (Paulo Avelino), at kung inaasahan ng lahat na pipigil si Samantha (Shaina Magdayao), hindi niya ito ginawa. Bukal na talaga sa puso niya ang pagpapatawad at na­naig na ang pagmamahal para sa kanyang kapatid.

Pero siyempre, alam mong nasasaktan pa rin siya dahil ang lalaking minamahal niya nang lubos, napapanood niyang ikinakasal sa iba. Gayunpaman, mas pinili niya ang buhay na tahimik para na rin sa ikakaayos ng lahat.

Bukod naman kay Samantha, natutunan din ni Miranda (Lorna Tolentino), ang ina ni Gael, na tanggapin ang pagpapakasal nito kay Ana. Du­malo rin siya mismo sa kasal at naging emosyonal habang nakikita niya ang kasiyahan sa mukha ng kanyang anak.

Abante Hiring – IT dep

Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig. Kahit pa ang mga taong parang pusong bato, nagagawa nitong palambutin.

Kaso umpisa pa lang ito ng panibagong yugto ng buhay nila dahil nakatakdang tapatan ni Gael ang ama niyang si Salvador (Nonie Buencamino) para sa pagkagobernador upang mapigilan ito sa kanyang mga kasakiman.

Ito naman ang maglalagay sa buhay nina Ana at Samantha sa panganib dahil sisiguraduhin ni Salvador na mapatumba niya ang dalawa at mapigilan na ang pag-impluwensya nila kay Gael.

Tutukan ang mas kapana-panabik na mga eksena sa ‘Asintado’ tuwing hapon sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.