Una sa Balita

Shaina hirap ibuka ang bibig dahil kay Piolo

By
0 1,731

Up to now ay wala pa ring inaamin si Shaina Magdayao tungkol sa kanilang dalawa ni Piolo Pascual kahit hindi pa rin matigil-tigil ang tsismis sa kanilang dalawa. Sa presscon ng pelikulang Single/Single, Love Is Not Enough na movie nila ni Matteo Guidicelli, inamin ng kapatid ni Vina Morales na single nga siya ng mahabang panahon by choice.

Naka-focus daw talaga siya sa kanyang career kaya hindi na muna niya iniisip ang tungkol sa lovelife. Kahit sinabi pang boto si Vina kay Papa P., pero dedma at pangiti-ngiti lang ang Kapamilya actress.

Wala ka talagang mahugot na statement sa kanya na tipong mabibigyan ng mas espesyal na kahulugan ang kanyang sasabihin tungkol sa most-eligible bachelor sa showbiz.

Abante Hiring – IT dep

Ang tanging nabanggit niya ay very close pa rin sila as friends, and Piolo nga raw is such a wonderful person. Hanggang dun lang talaga, and end na ng tsikahan blues.

Matteo wala pang planong pakasalan si Sarah

Samantala, si Matteo naman ay hindi naiinggit sa mga ikinasal sa showbiz na halos mga kasing-edad na rin niya.
Happy siya for Billy Crawford at Coleen Garcia, pero it doesn’t follow na ira-rush na rin niya na yayain si Sarah Geronimo na magpakasal.

May iba pa rin daw siyang friends na nagpakasal na, but the only thing he can do is to congratulate them and be happy for them.

Yun nga lang, walang nag-dare magtanong na mabuti ay pinayagan siya ni Sarah na gawin ang movie na Single/ Single with Shaina dahil kung matatandaan, noong ginagawa nila ang TV version nito naintriga noon na nagkahiwalay sila dahil nagselos si Sarah kay Shaina.

Move on na raw kasi, kaya better not ask na lang. Yun na!

L.A. Santos lakas tama kay Janella

Para sa baguhang singer na si L.A. Santos, handa siyang ma-bash ng mga ElNella fan dahil sa pagsasabi lang niya ng totoo na isa sa showbiz crush niya ay si Janella Salvador.

Very vocal siya tungkol ditto, at alam niyang anytime ay maaari siyang birahin ng mga loyal fans ng Kapamilya loveteam na ito.

If ever man, ayon sa kanya, it might worked to his advantage dahil bilang baguhan ay mapapag-uusapan siya at makilala. Pero, ayaw naman daw niyang gawin itong tulay para sa kasikatang gusto niya, kundi gusto pa rin niya sa paraan na dahil siya ay may talent.

Honest lang naman siya sa kanyang opinion at talaga rin daw gusto niyang makatrabaho si Janella dahil singer din ito. Wala siyang planong makigulo sa ElNella, pero wala naman daw masama na magka-crush siya kay Janella.

Si L.A. ay ang latest talent na mina-manage ngayon ng dating actor na show producer rin na si Joed Serrano.

Gusto raw niya talagang bigyan ng break kaya nga prinodyus niya ang upcoming concert nito na may titulong L. A Santos #Petmalu na mapapanood sa April 30, sa Music Museum.