Una sa Balita

SHAINA, HINDI SABIK SA LALAKE!

By
0 8

Maganda ang pasok ng 2017 kay Shaina Magdayao dahil may bago siyang teleserye at nag-renew siya ng kontrata sa ABS-CBN. Kaya raw mas focus siya sa trabaho ngayon kesa sa lalake.

Ilang taon na rin siyang single. Kung hindi kami nagkakamali ay 2012 pa sila naghiwalay ni John Lloyd Cruz na single din sa kasalukuyan.

Ayon kay Shaina ay mas ang ibang tao pa raw ang naiinip kung kailan siya magkakaroon ng bagong partner. Lalo na ngayon na nalalapit na ang Valentine’s Day.

Hindi naman daw iniisip ni Shaina ang bagong ka-partner at abala nga raw siya sa career niya.

Pero, sabi nga niya, after so many years ay handa na siyang muli na makipagrelasyon. Pero sinisiguro na raw niya na magiging maingat siya sa bagong relasyong papasukin at ayaw niyang masawi muli.

Si Shaina ay bida sa The Better Half na magsisimulang umere sa Feb. 13, after Showtime.

Isang babaeng nawalan ng partner na handang bumangon muli, ang role ni Shaina. Kasama niya sa serye sina JC de Vera, Carlo Aquino, Denise Laurel, Carmi Martin at Epi Quizon.