Una sa Balita

Shaina game nang maglandi

By
0 2,007

Palaban agad ang unang tatlong teleserye ng ABS-CBN na sasalubong sa 2018. Mga reyna lang naman ng Kapamilya na sina Julia Montes, Jodi Sta. Maria at Erich Gonzales ang bibida kaya siguradong kaabang-abang ang kanilang mga serye!

Napalabas na nga sa telebisyon ang trailer ng Asintado ni Julia at sobrang fierce ng role niya rito! Nasanay tayong nakikita ang dalaga sa drama ngunit bagong Julia ang makikita natin dahil mukhang puno ng aksyon ang serye!

Eh, kasama pa niya sa serye sina Paulo Avelino at Aljur Abrenica na siguradong magpapainit sa TV screens. And for the first time, lalabas ang kalandian ni Shaina Magdayao na magpapa-impress naman bilang kontrabida.

Naku, baka naman maagawan ni Shaina ng eksena si Julia? Eh, ‘di ba, kung sino ‘yung kontrabida, ‘yun ang mas nabe-bet-an ng mga manonood.

Sige nga, tingnan natin kung paano maglandi ang isang Shaina?