Una sa Balita

SHAINA, DINGDONG at LA maghahatid ng edukasyon sa rural areas

0 12

Nagkaroon nang pirmahan ng memorandum of agreement sa pagitan ng SCF (Smile Cares Foundation) na pinamamahalaan ng Kapamilya star na sina Shaina Magdayao at ng Ginebra player na si LA Tenorio at ng Chairman ng Yes Pinoy Foundation, ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes para sa kanilang joint initiative na “Yes to Full STEAM Ahead.”

May pareho silang adhikain na maihatid ang edukasyon sa pamamagitan ng Science, Technology, Engineering, the Arts and Mathematics (STEAM) sa mga bata sa rural areas. 

Ang una nga nilang proyekto ay sa Siargo kunsaan, sa September sisimulan ang groundbreaking ng  dalawang hectares ng eco-camp. 

Abante Hiring – IT dep

Magsisilbing facility ito para prepare ang mga kabataan sa rural areas for the global shift to STEAM-related jobs.

Ang YPF ni Dingdong ang magiging responsible sa 500 beneficiaries na ite-train for STEAM-related jobs. At SCF naman ni Shaina ang magti-train sa mga teachers para siyang mangasiwa ng facility.

Ayon kay Shaina,  “I’ve always been passionate in helping the youth, but I’m not that familiar with climate change, that’s where Dingdong comes in.”

Instead nga na sa isang movie project o ibang showbiz projects, sa mas makabuluhang pagsasama ang magiging tambalan nina Dingdong at Shaina.

Sabi nga ni Dingdong, “Hindi lang ito isang movie project. This time, we will be behind the camera for something much greater than that.”