Una sa Balita

SHAINA, BITTER SA LALAKE?

By
Shaina Magdayao
0 5

Naging emosyunal ang halos buong cast ng The Better Half sa naging presscon nila para sa pagtatapos nito. Last two weeks na lang mapapanood ang isa sa sinubaybayang Kapamilya gold series.

Sobra raw silang naging pamilyang lahat at kahit napaka-challenging ng mga karakter na ginampanan nila, off-cam, naging very close raw silang lahat.

Pare-pareho pang walang asawa sina JC de Vera, Carlo Aquino at Shaina Magdayao.

Puwede raw na da­lawa ang maging impact sa kanila ng The Better Half, better or bitter.

Nabanggit ni Shaina na naiintindihan niya ang karakter ni Bianca (Denise) na sobra-sobra lang kung magmahal.

Tinanong tuloy namin siya na kung sa totoong buhay ba ay na-experience niyang sobra-sobra siyang nagmahal pero pinili pa rin bumangon.

“Kayo naman, parang hindi niyo naman alam. Of course, ako naman po talaga kapag nagmahal ay 110% ang ibinibigay. 

Yes, nasaktan na rin. And in time, malalaman mo rin na kung hindi man naging okey, may dahilan ang lahat.”

Kahit na sobrang complicated ng The Better Half pagdating sa buhay may-asawa, para kay Shaina, hindi raw siya naging bitter when it comes to love.