Una sa Balita

Shabu shipment alam ni Faeldon

By
0 143

Maraming alam si Bureau of Customs (BOC) Commissioner Nicanor Faeldon na baho umano ng ilang miyembro ng pamil­ya ni Pangulong Rodrigo Duterte kung kaya hindi niya ito masibak kahit na umaalingasaw na ang P6.4 bilyong shabu shipment na lumusot sa ahensya.

Ito ang isiniwalat ni Sen. Antonio Trillanes IV matapos umanong maka­lap ang mga impormasyon mula sa pinagkakatiwalaan nitong impormante hinggil sa nasabing drug shipment at korapsyon sa loob ng BOC.

Ang impormasyong ito ay isinawalat sana ni Trillanes sa hearing ng Senate Blue Ribbon Committee noong Miyerkules subalit ‘nainip’ sa haba ng pagtatanong at pagsasalita umano ng chairman ng komite na si Sen. Richard Gordon.

“Alam ni Duterte na mayroong nalalaman itong si Faeldon na pagkanalaman ng publiko eh madidismaya at malalaman na nila, mabubuko na talaga kung ano ang tunay na pagkatao nitong pamilya ni Duterte,” paglalahad ni Trillanes sa interview ng mga mamamahayag sa kanyang tanggapan sa Senado.

“Iyan ang pinoproblema nila ngayon how to deal with that guy, he knows a lot marami siyang alam,” ani Trillanes.

Itinanggi naman ni Trillanes na si Duterte mismo ang sangkot sa P6.4 bilyong shabu shipment mula China, kundi ‘somebody close to him’.

Hindi naniniwala si Trillanes na nalusutan lang ang BOC dahil sa kanilang katangahan, bagkus plantsado umano ang shabu shipment dahil sa inayos ang mga taong dapat ayusin dito.

“As commissioner of Customs, alam niya kung ano ang nangyayari sa ahensiya at base sa mga natanu­ngan ko sa insiders ay nasa gitna siya ng kontrobersyang ito,” diin ni Trillanes.

Aniya, may mga maiimpluwensiyang tao sa likod ng shabu shipment kung kaya sa Green Lane mismo ng BOC ipinadaan ang ipinuslit na shabu.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More