Una sa Balita

Shabu sa driver’s license, rider buking

0 223

HINDI na nakapalag pa nang arestuhin ang isang 41-anyos na motorcycle rider na unang sinita dahil sa hindi nito pagsusuot ng helmet nang malag­lag ang sachet ng shabu sa kanyang driver’s license sa Bacoor City, Cavite.

Nakakulong ngayon sa Bacoor City Custodial­ Center ang suspek na si Choody Cruz, binata, walang trabaho, ng 16 Medicion 2B, Imus City, Cavite.

Sa ulat ni P/Cpl. Christian Jovita, ng Bacoor­ City Police Station (CPS), alas-tres kamakalawa ng hapon nang parahin ng Bacoor CPS ang minamanehong motorsiklo ng suspek habang binabagtas ang kahabaan ng Tirona Highway, Brgy. Habay 2, Bacoor City Cavite dahil sa hindi nito pagsusuot ng helmet.

Nang sitahin, iniabot nito sa awtoridad ang kanyang driver’s license ngunit nahulog mula dito ang sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 0.8 gramo na may street value na P800, dahilan upang arestuhin ito.

Kasong paglabag sa Sec. 11 ng RA 9165 ang isinampang kaso laban sa suspek.
(Gene Adsuara)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy