Una sa Balita

Shabu puro imported na – Duterte

By
0 721

Winarningan ni ­Pangulong Rodrigo Duterte ang mga exporter na mag-ingat sa mga ipinapasok na cargo sa bansa dahil sa posibilidad na masamahan ito ng mga kontrabando partikular ang iligal na droga.

Sinabi ng Pangulo na may mga insidente na natuklasan ang Bureau of Customs kung saan iba ang nakadeklara sa laman ng kargo pero nang inspeksiyunin ay iligal na droga ang laman.

Mautak na aniya ngayon ang mga sindikato ng droga dahil kung dati ay nagtatayo ng mga laboratoryo ng shabu sa bansa, ngayon ay iniimport na ang kanilang produkto.

May suspetsa aniya ang intelligence community na ang 14k Triad ang nangangasiwa ng iligal na operasyon sa Asya.
“So they are now into importation. We are suspecting the intelligence community that it is the 14k Triad who is handling drugs now in Asia.

At ito namang Mexico, bantay kayo diyan sa mga cargo ka­yong mga exporters because ‘yang mga cargo na ‘yan kung saan-saan pagdating ng pantalan o inbound for ito, banana dito. Kung saan-saan, ‘yan ang ginagamit ng cartel. Diyan nilalagay nila ‘yung parang roo­fing na plastic. It’s not all steel. It’s covered by a plastic thing. Eh isang beses bumagsak, nandoon 67 bricks of cocaine,” anang Pangulo.

Muling inulit ng Presidente ang banta sa mga sindikato na papatayin ang mga ito kapag nagtangkang muling magtayo ng shabu laboratory sa bansa.

“Along the way you would learn a little bit of me. Itong shabu, wala ng laboratories dito kasi alam nila papatayin ko talaga sila. T****i** papatayin ko talaga sila,” dagdag pa ng Pangulo.