Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Shabu nabisto sa tsinelas ng preso

0 46

Nakumpiska ang tinatayang 15 gramo ng pinaniniwalaang shabu na inipit ng isang preso sa tsinelas nito na iko-commit sana sa South Cotabato Provincial Jail kahapon.

Sa ulat, lumalabas na isiningit ng suspek na si Jacky Siton Lintong, 25-anyos, taga-Labangal, General Santos City ang pinaniniwalaang shabu sa kanyang swelas ang bawal na gamot.

Ang suspek ay mula umano sa Koronadal City Jail at inilipat sa South Cotabato Provincial Jail nang makuhaan ng umano’y shabu sa tsinelas nito sa isinagawang inspeksyon.

Tatlong malalaking sachet ng umano’y shabu na may street value na P102,000 ang nasabat dito.

Napag-alaman na hindi ito ang unang pagkakataon na may illegal na drogang tangkang ipinuslit sa provincial jail.

Leave A Reply

Your email address will not be published.