Una sa Balita

Shabu lab natumbok sa Antipolo

By
Nakahandusay ang isa sa dalawang suspect na drug pusher matapos na manlaban sa operatiba ng PS2-SDEU na pinangunahan ni PCI Erwin Guevarra at operatiba ng PDEA kaninang ala-1:00 ng madaling-araw (Huwebes) sa Sitio San Roque, Brgy. Pag Asa QC. (Photo Caption by Paez Lopez)
0 12

Natunton ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang shabu laboratory sa Antipolo City kung saan limang katao ang naaresto at P500,000 halaga ng iba’t ibang uri ng ipinagbabawal na gamot ang nakumpiska.

Kinilala ang mga nadakip na sina Malone Amahan, Jess Christopher Marcaida, at magkakapatid na Jansen, Junjie at Junrel Chavez.

Ayon kay PDEA Special Enforcement Service Director Levi Ortiz, mahirap na matukoy na shabu laboratory ang sinalakay na lugar dahil mukhang ordinaryong bahay lamang ito ngunit nang mapasok nila ang loob at matunton ang isang secret passage nang iurong ang isang kama ay tumambad sa kanila ang isang malaking pagawaan ng shabu.

Kabilang sa nakumpiska ang ilang nakabalot nang marijuana na handa nang ibenta, cocaine, shabu at ilang shabu paraphernalia at mga bala.

Ayon kay Ortiz na ilan sa impormasyong kanilang nakalap ay posibleng konektado ang naarestong mga suspek sa isang armed group na nag-o-operate sa Norte.