Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Shabu ipupuslit sa Davao jail gamit drone, buking

0 171

Isang high-tech na krimen ang nasaksihan sa Davao City noong Lunes kung saan isang drone ang nadiskubreng naglalaman ng shabu na dadalhin sana sa loob ng Davao City Jail.

Ayon sa isang ulat, nabisto ng mga tauhan ng bilangguan ang nasabing drone malapit sa nasabing piitan sa Barangay Ma-a.

Natagpuan umano sa gadget ang tatlong pakete o 25 gramo ng shabu na tinatayang P400,000 ang halaga.

Hinala ng pulisya, sa loob ng Davao City Jail dadalhin ang ilegal na droga.

Kaya naman ikinasa ng Bureau of Jail Management and Penology ang imbestigasyon upang makilala ang nasa likod ng pagpupuslit ng ilegal na droga sa nasabing kulungan.

Samantala, napaulat din kamakailan ang umano’y shabu na siniksik sa isang chicken-pork adobo na ibibigay sana para sa isang preso sa parehong kulungan. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.