Una sa Balita

Shabu inilalako sa Tondo

By
0 116

NADAKIP ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isang lalaki na nagla­lako ng shabu habang nagsasagawa ng anti-criminality campaign, kamakalawa nang gabi sa Tondo, Maynila.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Republic Act 10591 o Illegal Possession of Firearms and Ammunitions ang suspek na si Adrian Ambito, 31, ng 2266 Malaya St., Balut, Tondo.

Nabatid sa MPD-Police Station 7, dakong alas-10:00 nang gabi habang nagsasagawa ng anti-criminality ­operation ang Hermosa Anti-Crime Operatives sa Hermosa St., Tondo, nang mamataan ang suspek na naglalakad sa lugar at napuna na may nakasukbit sa bewang nito.

Sinita at kinapkapan ng mga pulis ang suspek at nakuha ang isang kalibre .9mm pistol, na may limang bala at 10 sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 50 gramo at estimated street value na P250,000, digital scale at isang hand grenade replica, kaya kaagad itong inaresto.