Una sa Balita

Shabu ‘in demand’ ngayong ‘ber months’

By ,
0 168

Ikinukonsidera ng Philippine National Police (PNP) na lalakas ang bentahan ng ilegal na droga ngayong ‘ber months’ dahil sa mga party kapag holiday seasons.

Ayon kay PNP Chief Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa, dahil sa inaasahang pagtaas ng demand ng ilegal na droga partikular ng shabu, mas paiigtingin pa ang police visibility at monitoring sa mga matataong lugar.

“Kailangan natin magdagdag ng mga pulis sa mga lugar lalo na sa mga matataong lugar para mapigilan ang anumang krimen at street buying ng drugs,” pahayag ni Dela Rosa.

Idinagdag ni Dela Rosa na imo-monitor din nila ang crime trend para mapagsabihan ang mga commander sa mga lugar na may mataas na krimen na ayusin ang kanilang trabaho.

Samantala, aminado si Dangerous Drugs Board (DDB) chairperson Dionisio Santiago na mababa ang presyo ng shabu sa kasalukuyan na ang ibig sabihin ay mas maraming supply.

Noong siya ay pinuno pa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nasa P10M umano ang kada kilo ng shabu, kung saan umabot sa P15M ang pinakamataas at P3M ang pinakamababa na presyuhan at kung susundin ang ‘law of supply and demand’, kumonti umano ang supply ng shabu noon dahil sa mataas na presyo nito sa merkado. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy