Una sa Balita

Shabu, cocaine talamak sa Cebu — Albayalde

0 280

NANANATILING seryo­song problema ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang paglipana ng mga iligal na droga sa Cebu, kasunod ng pagkakasabat ng kilo-kilong shabu na nagkakaha­laga ng milyong piso.

Ayon kay PNP Chief, Gen. Oscar Albayalde, halos lahat ng police units sa Police Regional 7 ay droga ang problema na kung saan masasabing talamak pa rin at nagkalat ang shaby at cocaine sa Central Visayas.

Nilinaw pa nito na ang mga nakukumpiskang iligal na droga ay mula pa sa mga lumang supply ng mga sindikato na nag-o-operate sa probinsya lalo na sa Cebu subalit tiniyak nito na hindi nagpapabaya ang kapulisan sa pagsugpo ng droga sa rehiyon.

“May improvement naman. ‘Yung recovery natin shows the determination sa ating kapulisan sa PRO-7 to rid this region of drugs,” ayon kay Albayalde.

Umaabot na sa 50.8 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P345.6 mil­yon ang nakumpiska sa isi­nagawang 283 anti-drug operations sa loob ng tatlong buwan, ayon sa Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 7. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy