Una sa Balita

Shabu candy buking sa tricycle driver

0 323

KULONG ang isang lalaki matapos magbenta ng pinaghihinalaang shabu na nakalagay sa candy wrapper sa ­ginawang buy-bust operation sa Barangay Tabug, Batac City, Ilocos Norte noong Martes.

Kinilala lamang ng Batac City Police ­Station (BCPS) ang suspek na alyas ‘Boy’, 53-a­nyos, tricycle driver nang ­nasabing bayan.

Sa report, isang ­buwan binantayan ng ­pulisya ang galaw ng suspek na nauna nang ­sumuko sa Oplan Tokhang ng gobyerno.

Sa ginawang ope­rasyon, agad na ­inaresto ang suspek matapos magpositibo ang pagbebenta ng iligal na droga sa pulis na nagpanggap na buyer.

Nakuha mula sa suspek ang dalawang ­sachet ng shabu na ­nakabalot sa candy wrapper na ­ibinenta niya sa isang undercover agent na ­pulis sa halagang P5,000.

Dadalhin na sana sa himpilan ng pulisya ang suspek ngunit dinala muna siya sa ospital ­dahil sa hypertension.

Mahaharap ang ­suspek sa kasong anti-illegal drug act. (Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More