Una sa Balita

Sey niyo Viva, Star Cinema? Vice Ganda gagawa ng pelikula sa Regal

By
0 842

Ang da­ming ganap nu’ng weekend.

Matagumpay ang naging concert ni Anne Curtis last Saturday, bongga din ang basketball tournament ng Star Magic last Sunday at hanep ang biritan sa Your Face Sounds Familiar Kids.

Pero pinaka-bongga na yung 80th birthday celebration ni Mother Lily Monteverde dahil literal na dinagsa ito ng mga big named celebrities sa mundo ng showbiz, politika at negosyo.

We went there after our DZMM show at talaga namang sa tanda na namin sa industriya, na-star struck pa din kami sa ilang celebrities na nakisaya kay Mother.

Ang ilan sa mga nakabatian, nakahuntahan at nakapiktyuran namin ay sina Mayor Joseph Estrada. Cong. Imelda Marcos, Gov. Imee Marcos, Sen. Sherwin Gatchalian, kuya Ricky Lee, dating MTRCB Chairman Toto Villareal, dating Sen.

Jinggoy Estrada, Mayor Dan Fernandez, Angel Locsin with bf Neal Arce, direk GB San Pedro, ang mga bagets na sina Diego Loyzaga at Albie Casino, ang mag-jowang Mark Herras at Wynwyn Marquez, ang beautiful and sexy partner kong si Gretchen Fullido na isa sa mga program hosts that evening at sina Myrtel Sarroza, Marlo Mortel, Jerome Ponce, Korina Sanchez-Roxas, Sen. Loren Legarda, Sen. Cynthia Villar at Vice Ganda. Hindi na namin nalapitan sa dami ng mga tao sina Ai-Ai delas Alas, Madam Charo Santos, Gary Valenciano at mahal naming si Cong, Vilma Santos.

Saksi kami ng sagutin ni Vice Ganda si Mother Lily na willing siyang makagawa ng movie under Regal Films.

Kuwentuhan nila habang nagpipiktyuran kami, “birthday wish ko talaga na makagawa ang best favorite kong ito (Vice) ng movie sa Regal,” sey ni Mother na sinagot nga ni Vice, “gawin natin Mother, promise, matutupad iyan.”

 

Anne nagmukhang alalay kay Vice

Speaking of Vice Ganda, certified It’s Showtime biggest star nga siya.

Sa naging opening production number nila last Monday, kitang-kita na ginastusan at pinaghandaan ang opening number ni Vice dahil simula nga ‘yun uli ng Ms Q&A.

Dose-dosenang mga beki ang rumampa sa stage na hindi natin normal na nakikita sa regular opening number ng mga hosts ng show. Meron pa silang USA feed dahil bukas na din sa America ang pagha­hanap ng Ms Q&A ng It’s Showtime.

Ang buong portion ay inari nga ni Vice Ganda dahil kahit ang mga pinagkakaguluhang Hashtags at Girl Trends ay waley sa nasabing eksena.

Si Anne Curtis nga ay nagmistula lang na alalay ni Vice. Yung ibang hosts, naghintay na matapos ang buong portion na inabot ng halos isang oras bago man lang sila nagkaroon ng exposure hahaha!

Hay buhay!!