Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sey niyo Vhong, Kim? Vice umaming pantasya makasama sina Alden, Maine

0 436

Dalawang episode ang kapalit ng malaki, mamahaling bag na niregalo ni Vicki Belo kay Vice Ganda.

Well, nauna nga ngang nag-guest si Vicki sa YouTube channel ni Vice, na kung saan pinaglaruan ng huli ang una.

At sa bagong content ni Vicki, inusisa naman niya si Vice sa mga ganap sa buhay ng komedyante. Na nagsimula itong mahirap, hanggang sa nagtagumpay sa buhay.

Pero, ang cute ng konsepto na hinayaan ni Vicki ang mga artista (kliyente) niya (via video siyempre) na magtanong kay Vice. Tulad nga ni Alden Richards…

“Ang bait niya. Tuwing nagkikita kami niyan, nagpapa-picture ako sa kanya. Ang bait-bait, at ang bango-bango. Tuwing awards night lang naman kami nagkikita. Kaya lagi akong nagpapa-picture sa kanya,” sabi agad ni Vice, bago pa man magtanong si Alden.

“Hello Doc, hello Miss Vice. Ang question ko, would it be possible na pumayag ka na gumawa ng movie kasama ko? At kung opo, anong konsepto?” tanong ni Alden.

“Diyos ko! Tinatanong pa ba ‘yan? Gustong-gusto ko, no!

“Oo, gustong-gusto kong makagawa ng pelikula na kasama si Alden, kasama si Maine (Mendoza), kung may pagkakataon. Dream `yon ng maraming tao rin. Bukod sa dream ko rin talaga.

“Sana magkasama kami, super gusto ko ‘yan si Alden, ang bait-bait niyan. Sana makagawa tayo ng pelikula Alden. Super love ko siya!” sabi ni Vice.

Naku, paano ba ‘yan, baka mauna pang magsama sa project sina Vice Ganda, Maine, Alden, kesa makasama ni Vice sina Kim Chiu, Vhong Navarro, ha!?

Well… (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.