Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sey niyo Rowell, Raymart? Randy gustong pumasok sa ‘Ang Probinsyano’

0 92

Hindi na matatawaran ang naiambag ni Randy Santiago sa industriya. Mula sa pagiging host, singer, at pagdidirek, at paminsan-minsang pag-arte noon, halos lahat ay nagawa na rin ni Randy.

At suwerte nga siya ngayon, dahil bilang host, heto nga at tinatangkilik pa rin talaga siya ng mga fan. Ang bongga lang na may celebrity edition na ang Sing Galing (SingLebrity) sa TV5.

Anyway, tinanong nga si Randy sa mediacon ng Sing Galing: SingLebrity Edition, kung ano pa ang mga gusto niyang gawin sa buhay. Nasabi nga niya na ang pagdidirek talaga ang pangarap niyang pag-ibayuhin pa.

“At an early age gusto ko na talaga magdirek. Dahil sa mga nangyari sa buhay ko, alam niyo naman ang kuwento ng mata ko, naghanap ako ng ibang paraan para makapasok ng induatriya, and that’s singing.

 “Kahit papaano napasok ko naman. A lot of training ang ginawa ko, nag-Glee Club, nag-Kundirana. Sa madaling salita, kumanta talaga ako, nag-aral para mapasok ang industriya ng pagkanta.

“Pero, nasa puso ko talaga ang pagdidirek,” sabi ni Randy.

So, bukod sa pagdidirek, ano pa ba ang mga gusto niyang gawin?

“Naglolokohan nga kami. Gusto kong pasukin ang vlogging. Hopefully, bakit hindi? Sana magawa ko.

“Dream ko rin lang talaga na magsama-sama kaming magkakapatid.

“Ako na lang ang kulang sa ‘Ang Probinsyano’. Hahahaha.

“Si Rowell, Raymart, nandoon na. Good thing na nasa TV5 riin pinalalabas ang ‘Ang Probinsyano’.

“So, maganda na magsama-sama rin kami!

“Pero other than that, wala naman na masyado. Basta, ang buhay natin ay nasa ano na, nasa gilid na ako. 60 years old na po tayo, at ‘yun lang mapanatili ang pagkanta at pagdidirek ng few more years, kahit paano may maiambag pa ako sa industriya,” pahayag ni Randy.

Hindi nga halata na 60 years old na si Randy, ha! Ano ba ang sikreto ng pagiging mukhang bata niya?

“I’m turning 61 (November) na. But, youthful life, siguro ganun lang, as long as masaya, nagpapasaya ka, kung ano man ang problema na hindi kailangan masyadong problemahin, huwag nating problemahin.

“Alaga rin sa pangangatawan. May mga maintenance medicine na kami lahat. So, ganun lang. Totoo naman `yon.’ Hahahahaha!

“Malaking bagay na huwag nating abusuhin ang sarili natin. Lahat ng bisyo natigilan ko na. Wala akong bisyo sa pag-inom. Walang bisyo sa sugal. Walang bisyo sa pambababae.

“Ang bisyo ko lang ay magsinungaling. ‘Yun lang po. Hahahaha!” pabirong chika pa ni Randy.

Kaloka, di ba? Anong sey mo Ruby Sermino? (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.