Una sa Balita

Sey niyo Moira, James, Vice? Luke Baylon, Quest sanib-puwersa

0 529

Umani ng paghanga at pagkabilib ang singer na si Quest nang mag-post ito sa kanyang Twitter na siya na ang mamamahala ngayon sa naligwak na contestant ng “Idol Philippines” na si Luke Baylon.

Matatandaang mainit na pinag-usapan sa social media ang nasabing aspiring singer dahil sa hindi ito nabigyan ng pagkakataong mag-level up sa naturang programa.

Labis na ikinatuwa ng mga fan ang naging aksyon ni Quest sa pagkaligwak ni Luke, at masaya silang napahalagahan ang talento ng aspiring singer.

Kulang isang dekada na rin sa OPM industry si Quest na nagpasikat sa mga kantang “Walang Hanggan” at “Sige Lang.”

Deserve nga raw ni Luke na mapansin at mabigyan ng pagkakataon na ipakita ang talentong taglay niya.

Maliban kay Quest, excited na rin ang mga fan kung ano ang magiging pasabog sa karera ni Luke.

Todo-todo ang pasasalamat ng mga humahanga o taga-suporta ni Luke kay Quest dahil binigyan ito ng pag-asa para ibahagi ang talento sa mga naniniwala rito.

Ngayon pa lang, excited na ang lahat na mapakinggan ang magiging pagsasanib-puwersa nina Quest at Luke. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy