Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sey niyo Derek, Ellen? Lloydie, Andrea type pagsamahin sa pelikula

0 223

Pinatunayan ni John Lloyd Cruz na mas guwapo, mas malakas ang sex appeal niya kay Derek Ramsay, sa bago niyang look.

Ala-Derek nga si Lloydie ngayon na semi-kalbo rin ang buhok, pero mas bumata, mas lumutang ang kakisigan, bagamat nananatili pa rin ang maamo niyang mukha, dahil sa makulay, ma-emote niyang mga mata.

Bigla ngang nabuhay ang malisya ng mga faney kay Lloydie sa bago niyang look, na sabi nga nila, mas gumuwapo pa ngayon. Hirit nga ng mga fan, ‘akin ka na lang Popoy’ na karakter nga ni Lloydie sa pelikula nila ni Bea Alonzo.

At sabay-sabay na sigaw nga ng mga supporter niya, ‘Go Lloydie, ibalik mo ang dating idol ng masa!’

At may mga hirit pa na dapat bumawi sina Lloydie at Andrea Torres, na sila naman ang gumaw ang pelikula na magkasama. Bongga nga raw ang ideya na `yon.

Tutal ay wala naman daw kontrata si Andrea sa kahit na anong movie company, at ganun din naman si John Lloyd, kaya sure raw na pag-uusapan ang movie na pagsasamahan nila, kung saka-sakali, at kung may makakaisip na gawin.

Ano kaya ang masasabi nina Ellen Adarna at Derek? Hahahaha!

Shawie game sa tikiman kay Marco

MILF o ‘Mom I Love To F@#$’ ang unang title ng pelikulang Revirginized, ang comeback movie ni Megastar Sharon Cuneta sa Viva Films.

Kasama nga niya sa movie na ito si Rosanna Roces, at ididirek ni Darryl Yap.

At sa kaseksihan ni Shawie ngayon, sure na may mga boylet na nagsasabing ‘MILF’ nga siya.

“I’m honored! You can take it 2 ways kasi, so bakit mo seseryosohiin. It means desirable ka sa mga younger men.

“Mas okey ang MILF, kesa sa ‘Mother I never want to touch’! Hahahaha!” sabi ni Shawie.

So, handa na ba siyang magpatikim sa mas batang lalake na tulad ni Marco Gumabao?

“Kahit kanino handa ako! Hahahaha!

“Magaling ang asawa ko magturo. Napaka-happy ko sa asawa ko! Sabi nga sa’yo marami akong hidden talent!” saad ni Shawie.

Paano kung biglang maghubad si Marco sa harap mo?

“Baka magulat siya! Hahahaha!” tawang-tawang reaksiyon ulit ni Sharon.

“Baka magulat siya na ako ang biglang maghubad! Joke! Hahahaha!” say pa ulit ni Sharon na ayaw paawat sa pagtawa.

Well…

KC, Sarah nakipagharutan sa mga aso

Aliw ang pagdalaw ni KC Concepcion sa bahay ng mga Guidicelli, ha! Ang bongga lang ng bonding nila, na sumentro sa paglafang, chikahan, at pakikipaglaro sa mga aso.

Makikita nga sa Instagram story ni KC ang pakikipaglaro nila ni Sarah sa mga malalaki at mababalahibong mga alaga nina Sarah at Matteo Guidicelli, na mga anak nga ang turing nila.

Tawa nang tawa si KC noong laruin, dambahin, harutin siya ng mga ‘baby’ nina Sarah at Matteo.

Anyway, matagal na ngang magkaibigan sina KC at Sarah, na nagsimula noong pareho silang nag-aaral sumayaw kay Teacher Georcelle ng G-Force. May grupo nga sila noon na super dance, suot ang white shirt na maluwag, at tila nang-aakit sa kanilang pag-indak, paggiling.

Well, sarap ding makita si Sarah na nakiki-bonding na ngayon sa mga kapwa niya artista. Noon kasi, parang puro work ang ginagawa niya, at halos walang time na ‘gumimik’ kasama ang mga kaibigan.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.