Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sey niy Ada, Lloydie: Ellen, Derek mega landian sa party

0 221

Kahit pinangunahan na ni Derek Ramsay na ‘Love thy neighbor’ ang photo nila nina Ruffa Gutierrez at Ellen Adarna, sure ako na mali-link sa isa’t isa sina Derek at Ellen.

Naglabasan na kasi ang mga photo, video sa Instagram story ni Ruffa, ang may mga moment doon na parang sobra-sobra ang harutan, lambingan nina Ellen at Derek.

Lalo na sa photo na may caption na LOL, na obyus na naglalaro, naghaharutan sina Ellen at Derek, na kung sisipatin mo nga, parang may something sa kanila, dahil sa sobra-sobrang dikitan ng kanilang mga katawan at mukha.

May photo rin na nagtititigan sina Ellen at Derek, na nilagyan naman ng caption na “Walang malisya!”

Kitang-kita rin na sobrang nag-enjoy si Ellan sa company ni Derek, to the point na parang nakahiga na siya sa maliit na chair at nasa harap lang niya si Derek.

Parang iisipin mo na rin na sinasadya nilang gumawa ng eksena para mapag-usapan sila. O aware na agad sila na magiging hot topic sila, kaya mas mabuti na ring sagarin at mag-enjoy sila.

Pero, ang mas nakakaloka, ay ang IG story ni Ruffa, na ang mga linya ag ganito…

“Hi Ellen.”

“Hi Ruffa!”

SM food to go Banner Ad

“Do you love me?” tanong ni Ruffa kay Ellen.

“I love you, but I love him!” sagot naman ni Ellen, na naging dahilan para magtilian, magtawanan silang dalawa, na parang may kasamang kilig, ha!

Anyway, bukod nga sa treat `yon ni Derek sa mga kapitbahay niya (base sa caption niya ng photo nila nina Ruffa at Ellen), bonding moment din nila `yon ng kaibigan niyang si John Estrada.

At puwede ring sabihin na suporta `yon ni Derek kina John at Ellen, na magka-tandem nga sa John En Ellen na teleserye, na mapapanood sa TV5, ha!

Pero, baka malito rin ang mga fan, na mahilig maniwala sa mga pagli-link-link, dahil sa halip na sina John at Ellen ang ma-link o pag-usapan, sina Ellen at Derek nga ang pinupulutan sa social media ngayon.

Anyway, sobrang happy nga ng paghu-host ng dinner cum drinking session na `yon ni Derek sa kanyang mga kaibigan, kapitbahay, na bumaha ng masasarap na pagkain, at bonggang inumin.

At sa totoo lang, kung sakaling magkatotoo ang hinala, suspetsa, hiling ng mga fan, na matuloy sa relasyon ang ‘harutan moment’ na ito nina Ellen at Derek, wala namang masama, dahil pareho naman silang single.

Si Ellen ay matagal nang hiwalay kay John Lloyd Cruz, at ang sabi-sabing dyowa niyang foreigner ay malayo naman, o wala sa Pilipinas, at hindi nga tayo sure kung totoong magdyowa sila. Samantalang si Derek naman ay matagal na ring break kay Andrea Torres, di ba?

At sa totoo lang, sa takbo ng harutan nina Derek at Ellen, parang bagay sila, parang may chemistry sila, dahil pareho nga silang masayahin, at mahilig sa party-party, na parang wala nang bukas.

Well…

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.