Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sey ng manager: Kakai ‘ginamit’ ng dayuhang aktor

0 71

Ang manager ni Kakai Bautista na si Freddie Bautista ay ni-repost ang Facebook post ng isang Attorney Jam Marfil.

Wala namang binanggit sa post ng lawyer kung sino ang tinutukoy nito, pero dahil katatapos lang na ipakilala ang sinasabing dayuhang aktor sa isang event, kaya ito agad ang hula ng lahat.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa post ng lawyer, sinabi nito na, “There’s a saying in Public Relations that “there is no bad publicity”.

“But there is–that is, if you commit libel against an innocent person to advance another person’s interest. That is not just purely BAD PR, but also palpably ILLEGAL. These PR manipulators and their principals should be held accountable for destroying the lives of innocent persons.”

At shinare nga ito ng manager ni Kakai na si Freddie.  Kaya madaling i-assume tuloy na kaya raw ba biglang nagka-isyu si dayuhang aktor sa alagang si Kakai dahil kailangang mag-ingay at meron palang endorsement sa bansa?

“Agree Atty. Jam Marfil, From the start alam naman natin kung sino ang nasa likod nito. Kasi nga may papasok daw na endorsement sa kanila at kailangan daw paingayin ulit ang Pangalan. Now, Sino ngayon ang nangagamit?”

Leave A Reply

Your email address will not be published.