Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sey mo Sarah: Matteo binatikos ulit sa mabigat na kamay

0 44

WTF!? #3 trending nga sa YouTube ang Unboxing: PS5 PlayStation5 ni Matteo Guidicelli.

At ‘yon nga ang pinagtataka ng marami! Anyare? Unboxing lang, benta na agad-agad.

Anyway, again, pinag-usapan na naman ang ‘unboxing’ content ni Matteo, dahil sa bigat nga raw ng kanyang mga kamay.

Unang-una, naloka ang mga fan noong wakwakin niya ang box ng PS5. Wasak as in wasak talaga, na hindi mo na puwedeng pakinabangan.

SM food to go Banner Ad

Pangalawa, ang pagbagsak niya ng iba pang bagay na ginagamit sa PS5 sa sahig, although naka-grass carpet naman `yon. Parang hindi kinaya ng mga fan na ganun kabigat, at ganun tratuhin ng mister ni Sarah Geronimo, ang mamahaling gamit na `yon.

Pangatlo ay noong baligtarin niya sa lamesa (na katuwiran niya ay shock absorvant naman at galing Cebu `yon) na tumalbog-talbog, kaya wala raw epekto `yon.

At sa huli, dahil alam yata ni Matteo na mababaliw na naman ang mga fan sa ‘unboxing’ niya, kaya tila bet niyang ibato, ipasalo ang PS5 sa kasama niya.

Well, waging-wagi naman si Matteo sa drama niyang ito, dahil muli, nakuha niya ang atensiyon ng mga netizen, at pati na ni Michael ‘Bitoy’ V., ha! (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.