Una sa Balita

Sey mo Ronnie? Loisa pantasya si Vin Abrenica

0 305

Si Vin Abrenica nga ba ang bagong type ni Loisa Andalio? Paan­o na si Ronnie Alonte?

Ang pagkakaroon kaya ng ‘scandal’ sa social media ang dahilan?

Well, siguradong marami ang makaka-relate, maging ang mga young-at-heart, sa bagong digital series na pagbibidahan ni Loisa na “Past, Present, Perfect?” na mapapanood na sa iWant simula Mayo 31.

Sa bagong iWant original series, gaganap si Loisa bilang si Shantal, isang high school student na magkakaroon ng feelings para sa kanyang teacher (Vin Abrenica). Dahil sa naram­damang puppy love, matututo si Shantal ng mga aral sa buhay at pag-ibig na dadalhin niya habang hinahabol ang nag-iisa niyang pangarap.

Ang romance-drama series ay isinulat at idinirek ni Dwein Baltazar, ang screenwriter ng blockbuster movie ng “Exes Baggage” at kamakailan ay nanalo ng Best Director at Best Screenplay awards.

Abangan ang “Past, Present, Perfect?” na pagbibidahan din ni Shain­a Magdayao sa streaming service na iWant. (DS)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy