Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sey mo Robin? Mariel umaming idolo si VP Leni

0 142

Idolo pala ni Mariel Rodriguez Padilla si Vice President Leni Robredo, ha! Sa latest Instagram post niya, nabanggit nga niya ang pangalan ni VP Leni, at ikinumpara ang sarili niya rito.

Nabasa kasi ang suot niyang sapatos sa pinuntahan ng mga anak nila ni Sen. Robin Padilla, sina Isabella, Gabriela.

“My ulirang ina moment!!! This trip is for my kids so everyday we go from one theme park to another. I was not prepared for a water ride. Isabella badly wanted to ride this one…daig ko pa ang Aegis na basang-basa sa ulan!!! As in talagang shower na matindi…shampoo na lang ang kulang!! Of course I had extra clothes for Isabella from panty to socks complete because OA mom ako hahaha but for me…nothing!!!

“Kung si VP Leni nagplantcha para sa daughter nya, ako linaban ko sa basa ang Chanel sneakers ko! It’s a tie! Hindi ko na siguro ma-live selling ito kasi na-haggard ng mabuti.

“Mabuhay lahat ng ulirang ina!! P.s. I asked permission, no, no, I begged the ride facilitator if I can leave the shoes…magkasakit na ako sa basa ‘wag lang ang sapatos pero hindi pumayag. #GoodbyeChanelSneakers,” sabi ni Mariel.

Julie Anne, Rayver super harutan sa Twitter

Nagpapakipot lang ba si Julie Anne San Jose? Ramdam kasi na bet talaga niya na maging dyowa na si Rayver Cruz. At mababasa `yon sa mga tugon niya sa mga post ng aktor.

Mula nang maging open si Rayver sa pagmamahal kay Julie, mas naging expressive pa ito sa social media. Nag-tweet siya ng photo ni Julie na kuha sa kakatapos lang na birthday celebration nito.

“Crushee @MyJaps,” sabi ni Rayver.

“Hi crush,” sabi naman ni Julie.

Kung ganito ang mga palipad ni Julie kay Rayver, posibleng hindi na maghintay nang matagal ang aktor at sasagutin na rin siya ng singer-actress.

Ang cute ng harutan nila sa Twitter, di ba?

Lovi best actress sa Gawad Tanglaw

Sobra-sobra ang malasakit kay Lovi Poe nina Sen. Grace Poe, lalo na ni Brian Poe.

Dahil hindi nakadalo si Lovi sa Gawad Tanglaw para personal na tanggapin ang kanyang best actress award para sa pelikula niyang ‘Latay’ ang nasabing pamangkin na si Brian ang tumatanggap ng kanyang award.

Pinoste ni Lovi ang mga larawan ni Brian na hawak ang certificate, seal ng naturang award giving body.

“Such an honor to receive the Gawad Tanglaw for Best Actress Award for my role in Latay. I really appreciate this recognition – it brings light to the message of our film in making more people aware of domestic abuse towards husband.

“It’s even more meaningful that my nephew @heyitsbrianpoe received this award on my behalf! Your support means so much to me. Thank you for doing this and for always having my back,” sabi ni Lovi.

Leave A Reply

Your email address will not be published.