Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sey mo Pia? Sarah Wurtzbach inilantad ang boobs sa IG

0 540

Marami ang naalarma sa mga Instagram post ni Sarah Wurtzbach! Kung noon ay ang mga ‘hanash’ o ‘hinaing’ niya sa Instagram story na may kinalaman sa ‘rape’ at problema nila ng kanilang ina at ni Pia, ngayon naman ay ang sunod-sunod na pagpapasilip ng kanyang katawan ang pinu-post niya.

Hindi nga naaliw ang mga netizen sa latest photo ni Sarah, na kung saan ay nakatapis lang ang lower part nito, at super expose ang upper part niya, na tinakpan na lang niya ng kanyang kamay.

Eh, dahil sadyang gifted siya, kaya kahit na takpan ng kanyang kamay ang kanyang dibdib, lumabas pa rin ang mas malaking part nito.

“My body, my rules!” ang chika ni Sarah.

Oo nga naman, pero para i-post pa ito sa social media, at wala naman yatang kinalaman sa ‘trabaho’ o advocacy, medyo ibang usapan `yan.

At ipinaalala nga sa kanya ng mga netizen na Miss Universe ang sister niya, at may dalaa na siyang anak na dapat alagaan.

Pero siyempre, marami rin ang nagto-tolerate sa asal na ito ni Sarah. Panay nga ang puri nila na seksi, maganda ito, at katakam-takam.

May nagpapaalala rin sa mga laiterang netizen na itigil ang pagba-body shaming kay Sarah.

Well, ano kaya ang reaksiyon ni Pia rito? (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.