Una sa Balita

Sey mo Ogie? Regine todo promote ng concert ng ex-BF

0 461

Hindi man masasabing magkaibigan, pero maayos na ang samahan sa pagitan nina Regine Velasquez, Ariel Rivera at Gelli De Belen.

Ang patunay ay ang pagpu-promote mismo nina Regine at ng mister niyang si Ogie Alcasid ng “Homecoming” concert ni Ariel sa Canada.

Nag-post si Regine ng concert ads ni Ariel sa kanyang Instagram wall na may larawan ng singer-actor at iba pang detalye sa kung saan gagawin at paano maku-contact ang ticketing ng project.

Buong-buo ang pagpu-post ni Regine sa comeback concert scene na ito ni Ariel.

At sa caption, tinawag pang “Pare” ni Regine si Ariel.

Makikita sa post ang pagla-like ni Gelli sa account ni Regine kasunod ang comment ng pasasalamat nito.

Isang indikasyon na ang nakaraang selosan at isyu noong magkasintahan pa lang sina Gelli at Ariel, at dalaga pa noon si Regine maraming taon na ang nakakaraan ay tuluyan nang nabaon sa limot.

Sumuporta pa si Ogie sa pagpu-promote ng concert nang ipost niya ang parehong advertisement ni Ariel.

Wala namang namagitang isyu kina Ogie at Ariel, dahil nang pumasok ang singer-composer sa buhay ni Regine walang sabit at milya na sa tagal na nangyari ang isyu nito kay Ariel at Gelli.

Nag-like at nagpasalamat naman si Gelli sa support ni Ogie sa kanyang asawa.

Ang hinihintay na lang ng marami ay ang pagsasama sa iisang concert nina Regine at Ariel, o ‘di kaya ay ang pagsasama nila sa isang serye o pelikula, na never pang nangyari.

Mukhang matanda, lalaki: Nico pinaglaruan ang anak

Pagdating sa kalokohan sa social media, front liner itong si Nico Bolzico na Argentine hubby ni Solenn Heussaff.

Nang-goodtime si Nico sa netizen, sa pag-aakala ng mga naka-follow sa kanya na totoo ang posting nito tungkol sa baby nilang si Thylane.

Nag-post si Nico ng video niya habang karga-karga ang kanyang anak.

At sa caption, sinabi nitong ipapakita na niya ang mukha ng kanilang anak dahil may permiso na ito ni Solenn.

Totoo namang ipinakita nito ang mukha ng kanilang anak, pero mukha ng isang lalaki na matanda at hindi bata.

Inulan man ng katatawanan at aliw ang post ni Nico, may ilan rin ang na-turn off dahil sa panggu-goodtime nito sa netizen.

Walang makapagsabi kung ano ang hinihintay nina Solenn at Nico para lang maibahagi sa social media ang mukha ng kanilang anak.

***

Kung kailan naman bumagsak ang travel business sa buong mundo saka naman naging ambassador ng Tourism si Gabbi at nanggaling pa ito sa Taiwan bilang pagpu-promote ng nasabing bansa na isa sa pinakamagandang tourist destination.

Ipinagmamalaki ni Gabbi sa kanyang Instagram post ang pagiging kauna-unahan niyang Pinay na ambassadress ng Taiwan Tourism.

@gabbi, “So happy to announce that I’m the First Filipina Taiwan Tourism Ambassador! Shooting this didn’t feel like work at all! I’ll be at SMX Convention Center later at 11am for the travel tour expo 2020. See you! #GabbiGarciaPanahonSaTaiwan #PanahonSaTaiwan.”

May lumalaganap na corona virus (nCoV) sa buong mundo na nagsimula sa Wuhan, China at isa ang Taiwan, kabilang ang Hong Kong at Macau na ipinagbabawal nang puntahan ng mga traveller.

Sablay kung tutuusin ang dapat sana’y magandang opportunity na ito kay Gabbi, pero posibleng hindi ito kakagatin ngayon ng mga takot na mahawahan ng nCoV.

Ayaw sana naming isipin, pero malas ba si Gabbi sa mga magagandang opportunity?

Dapat sana’y magbibida siya sa isang serye sa Kapuso pero naaksidente at binawian ng buhay sa taping si Eddie Garcia.

Ngayon naman ay ang pagiging Tourism Ambassador naman niya.

Pero sa kabilang banda, marami namang magagandang nangyari sa karera ni Gabbi kaya nananatiling isa siya sa malaking young actress ng istasyon.

Derek namatayan ng alaga

Pagdating sa mga animals, hinding-hindi pagkakaitan ng tulong at pagmamalasakit ang mga ito ni Heart Evangelista.

Nasa Instagram post ni Heart ang pagbisita niya sa karatig bayan sa Taal kahit may panganib na puwede ito uling pumutok anumang oras.

Dumalaw si Heart sa lugar para mabigyan ng tulong ang mga hayop, partikular na sa mga aso kasama ang grupo ng PAWS.

Masisilip sa IG wall ni Heart na karga-karga niya ang ilang aso at ang iba naman ay kaharap niya.

Naka-protective mask si Heart at naka-long sleeves upang hindi makalanghap ng ash falls o para makaiwas sa sakit mula sa mga hayop.

Samantala, isang animal lover ang nagluluksa sa kasalukuyan dahil sa pagkamatay ng kanyang aso na alaga na niya nang 14 years.

Naka-post sa Instagram wall ni Derek Ramsay ang larawan ng kanyang alaga na na-diskubre niya pagkagising na wala nang buhay.

Wasak ang puso ni Derek sa pagyao ng alaga.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More