Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sey mo Nadine? ‘Di ko kayang humanap ng iba – James

0 658

Ang pilyo ni James Reid sa Instagram post niya tungkol sa collaboration nila ni Zack Tabudlo, ha!

Sa simula ng video ay binanggit niya ang title ng kanta nila ni Zack, pero na-bleep lang `yon, dahil mas pinili raw nila ang title na ‘Hotdog’, ha!

May pa-hashtag nga si James na #HotdogNiZackAndJames, kaya tuloy kung ano-ano na ang tumakbo sa isip ng mga netizen. Nag-imagine na ang iba tungkol sa itsura, sukat, kulay ng hotdog ng dalawa.

“Here’s a cheeky peek behind the scenes when Zack Tabudlo and I cooked up Hotdog together,” sabi ni James.

Pero, sa video rin ay mapapakinggan ang linya ng kanta ni James na, ‘Hindi ko kayang humanap ng iba’, na ikinalungkot tuloy ng mga fan.

“Yeah, its hard to find! Sana magkabalikan talaga kayo.”

“Masyadong mapanakit ang linyang ni James!”

“Hindi mo na talaga kakayanin pang humanap ng iba, kaya ano pa ang hinihintay mo, bawiin mo na si Nadine!”

“Nadine lang wala nang iba. Hindi mo na kayang humanap ng iba.”

“Hindi mo kasi pinahalagahan si Nadine, kaya nakahanap siya ng iba. Hindi ka na makakahanap pa ng tulad niya.”

Well, linya lang naman `yon ng kanta, pero ginawang personal ng iba, ha! (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.