Una sa Balita

Sey mo Mommy Divine: Sarah, Matteo super lambingan, kantahan sa fund raising

0 992

Nakapagbigay na ng tulong, nakapagbigay pa ng saya at ngiti ang mag-asawang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo nang mapanood sila sa ginawang live streaming na pinangunahan ni Matteo, ang “One Voice Pilipinas.”

Sariling initiative ito ni Matteo para makatulong sa mga nangangailangang kababayan ngayong panahon ng COVID-19. At co-host niya si Kean Cipriano sa ginawang FB Live.

Mahigit 4 million pesos din daw ang nalikom nila. Kinilig ang marami nang tawagin ni Matteo si Sarah, ang kanyang “beautiful wife, the most beautiful woman in the world.”

Pero hindi pa rito nagtapos ang kilig at saya lalo na ng mga AshMatt fans. Sa “Pantawid Pag-Ibig” ng ABS-CBN ay hindi na lamang “greetings” ang ginawa ni Sarah.

Nag-online performance ito ng “The Greatest Love of All” at nag-duet sila ng “You Are The Reason.” Ito ang tila official appearance nina Matteo at Sarah as husband and wife after their very controversial wedding at nagkataon din na first monthsary ng kasal nila kahapon.

Iisa ang nakita ng lahat sa mag-asawa, lalo na kay Sarah, larawan daw ito ng isang maybahay na napakasaya.

At kung nanonood daw kaya ang mommy ni Sarah na si Mommy Divine sa live streaming, nakita rin daw kaya nito ang mga nakita ng lahat kay Sarah na kakaibang glow at happiness.

***

‘Corona Ba-Bye Na’ ni Vice Ganda lakas maka-LSS

Kahit sa gitna ng COVID-19 at enhanced community quarantine, nakapag-composed, record at nakapag-film pa ng mala-MTV si Vice Ganda ng kanta para sa coronavirus sa loob lang ng isang araw.

Ni-launched kahapon ang naturang song na may title na, “Corona Ba-Bye Na!”

Sabi ni Vice, “Corona Ba-Bye Na composed, recorded , filmed and edited in one day. Hahahhaha!!!! Corona Ba-Bye Na Thanks Team Vice, Sir Lui, Sir Roxy, Jonathan Manalo, Rox Santos, Olive Zarate and the Montecarlo sistahs.”

Una pa lang namin napanood at napakinggan ang kanta, siguradong may bagong hit song ngayong COVID-19 crisis. Kung may mga sanggol na pinangalanang COVID, meron namang bagong kanta si Vice na “Corona.”

At true enough, ang dami nang na-LSS mula bata hanggang matanda. Ang dami na rin nakakuha ng steps at pang-Tiktok siyempre. Aliw na aliw nga si Vice sa bantang nakagaya na agad sa kanya at pinost pa nito ang video.

Less than 200,000 views in less than one day sa You Tube channel ni Vice. Pero trending ito sa number 27.

***

Ka-level ng mga sikat na US star: Lea Salonga, ‘di na ma-reach, nagpasiklab sa ‘The Rossie O’ Donnel Show’

Pang-international talaga, no-less si Lea Salonga.

Hindi lang yung mga local fundraising drive at mga local celebrities ang kasama niya sa live streaming. Naimbitahan din si Lea sa livestream ng The Rossie O’ Donnell Show noong Linggo ng gabi (U.S. time) at Monday ng umaga naman sa atin.

Nakasama ni Lea rito ang iba pang mga Broadway actors, singers, Hollywood actors and singers. Ang naturang live streaming ay para sa The Actors Fund. Pinuri naman at inabangan ang performance ni Lea kunsaan, ang kinanta niya from home ay ang “Reflection.”

Pero habang ongoing ang live streaming, nag-tweet si Lea at nakiusap. Mukhang sa rami ng Pinoy fans na nagko-comment at nagtatanong kung kailan na siya lalabas, si Lea na ang nahiya dahil alam nitong ang dami nilang naka-line-up.

Sey niya, “Okay, gang… just so you all know I am standing by. There are a TON of artists waiting also in a queue along with me. Please don’t spam the show with rude comments, it makes you look… rude. Thank you.” (Rose Garcia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More