Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sey mo Kiko? Heaven bagong pantasya ng mga yakman

0 2,066

Palaban na sa paseksihan si Heaven Peralejo!

Parang pagod na si Heaven na kung ano-ano ang binabato sa kanya, na kesyo ahas siya, na kesyo mabilis siyang magpalit ng boyfriend, kaya naman gumawa siya ng eksena sa Instagram, na siguradong magpapaiba ng pananaw ng gma netizen sa kanya.

At heto nga, mistulang beauty queen ang dating ni Heaven sa Instagram, na naka-swimsuit, todo-emote sa harap ng kamera, at parang nanghihikayat ng mga lalake na pagpantasyahan siya.

I can sea clearly now!” sabi lang ni Heaven sa mga photo niyang `yon.

Pero, mababasa rin ang mga komento ng mga fan, na in fairness kay Heaven, ang dyosa nga raw ng dating nito.

Na dapat daw kabahan sina Barbie Imperial, Barbie Forteza, at iba pang nagpapaseksi ngayon sa Instagram, dahil mukhang all out si Heaven sa pagpapaseksi, at agawin ang trono bilang pinaka-seksing batang aktres ngayon.

Well, siyempre hindi pa rin nawawala ang mga basher niya. Ang iba, iniuugnay pa rin siya sa ahas, na sinabing nagpapalit daw ng balat si Heaven sa Siargao, ha!

Well, dedma na lang siyempre si Heaven. At ini-enjoy ang bakasyon sa Siargao.

Pero, ano kaya ang masi-sey ni Kiko Estrada? Na ang ex-girlfriend niya (ex-gf na ba talaga? ay bagong pantasya ng mga yakman ngayon? (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.