Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sey mo Kakai: Erich, Mario Maurer super chika pa rin

0 54

Ano kaya ang masasabi ni Kakai Bautista, na hanggang ngayon ay super chika pa rin sina Erich Gonzales at Mario Maurer?

Sa pelikula nina Erich at Mario nagkakilala sina Kakai at ang Thai actor. Na sa promo ng movie ay super close sila, pero ngayon nga ay ‘magkaaway’ na ang mga kampo nila.

Anyway, naikuwento nga ni Erich sa virtual mediacon ng La Vida Lena na madalas pa rin silang mag-chat, text, usap ni Mario. At pinag-uusapan daw nila ang kagustuhan nilang magsama uli sa pelikula.

Anyway, rarampa na nga si Erich para sa hustisya upang patumbahin ang mga taong nang-api sa kanya sa ABS-CBN teleseryeng “La Vida Lena,” na mapapanood simula Hunyo 28 sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at TV5 ng 10 PM.

Susundan ng kwento nito si Magda (Erich), isang babaeng puro panlalait ang nakukuha sa iba dahil sa peklat na tumatakip sa kalahati ng kanyang mukha. Sa kabila nito, lumaki siyang mabuti, masipag, at mapagmahal sa mga kapamilya at kaibigan.

SM food to go Banner Ad

Dahil sa hangaring makatulong sa kapwa, makakaimbento si Lena ng isang sabong papatok sa buong bayan ng Salvacion dahil sa kakayahan nitong magpakinis ng kutis. Ngunit imbes na yaman ang makuha niya mula sa produktong ito, sunod-sunod na kamalasan ang matitikman niya mula sa mga Narciso, ang pinakamakapangyarihang pamilya sa bayan ng Salvacion.

Pagkatapos niyang tanggihan ang alok na ibenta ang formula ng sabon niya sa Royal Wellness, ang kumpanyang pagmamay-ari ng mga Narciso, sari-saring pagdurusa ang sasapitin niya sa kamay nila. Lolokohin at paiibigin siya para manakaw ang formula ng sabon niya, mawawalan ng mahal sa buhay, at magdurusa sa bilangguan.

Sa kabila ng matagal na paghihirap, makakaahon mula sa pagiging api si Magda at magbabagong-anyo siya bilang si Lena. Taglay ang bagong mukha ng karma, babalik si Lena sa Salvacion para maghanap ng hustisya at maghiganti sa mga sumira sa kanya.

Hanggang saan dadalhin si Lena ng kanyang paghihiganti? Kanino titibok ang puso ni Lena na napatigas ng kalupitan – si Jordan (Carlo Aquino), ang kababata niyang matagal nang may pagtingin kay Lena, si Adrian (JC De Vera), isang Narciso na paiibigin ni Lena, o si Miguel (Kit Thompson), ang lalaking nanloko at nakabuntis sa kanya noon?

Ang serye naman ay mula sa direksyon nina Jojo Saguin, Andoy Ranay, at Jerry Lopez-Sineneng. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.