Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sey mo Julie Anne? Kylie, Rayver nakakakilig titigan

0 112

Nakakatuwa itong si Kylie Padilla. Hindi pala siya marunong mag- billiards.

Sa lock-in taping ng upcoming teleserye niyang ‘Bolera’ lang daw siya natuto mag-billiard. Isa kasing manlalaro ng billiard ang role niya.

Noong una ay reluctant siyang tanggapin ang ‘Bolera’ project dahil wala raw siyang alam sa billiard. Pero in-assure naman siya ng production na may magtuturo sa kanya habang tumatakbo ang taping.

Eh, lalo pa siyang nahirapan dahil kaliwete ang magiging role niya kaya double ang effort para matuloy siyang maging kaliwete.

Natutunan daw naman niya ang lahat, kaya proud siya sa proyektong ito.

Well, dalawa ang leading man niya, sina Rayver Cruz, Jak Roberto.

Kaya bongga siya, di ba?

Pero, kapansin-pansin na malakas din ang chemistry nina Rayver at Kylie, ha! Nakakakilig din ang mga titigan nilang dalawa.

Ano kaya ang masasabi ni Julie Anne San Jose?

Ang isa pang nakatulong sa kanya rito ay ang bonding nila ni Jaclyn Jose na nakasama na niya sa ibang teleserye noon.

Na-miss man niya ang dalawang anak habang ginagawa ang ‘Bolera’ dahil naka lock-in sila ng dalawang buwan pero maganda rin naman daw ang bonding nila ng mga co-star niya.

Rhea Tan mahal na mahal si YanYan

Parang hindi nakakaedad ang misis ni Primetime King Dingdong Dantes, si Marian Rivea. Aba, napakaganda pa rin niya hanggang ngayon, kahit dalawa na ang anak, ha!

Dumaan ang pandemic pero mukhang mas naalagaan niya ang sarili, lalo na ang kanyang pamilya. Kaya hindi na ako nagtataka kung sunod-sunod ang mga endorsement niya.

Si Marian nga ang endorser ng BeauteDerm na pag-aari ni Rhea Anicoche Tan, at 5 years na yata ang relasyon nila, ha! Buong pagmamalaki ni Rhea ang closeness niya kay Marian sa kasalukuyan at nag-renew na naman ito for another 30 months.

Actually hindi na raw nila pinag-uusapan ang relasyon nila bilang endorser, owner, kundi close na close na raw talaga silang magkaibigan. Hindi nga raw sukat akalain ni Rhea na magiging close siya kay Marian. Kaya para kay Rhea, si Marian ang number one bilang ambassador ng BeauteDerm.

Napakasipag daw nito sa pagi-endorso ng kanyang company. May malasakit daw si Marian sa kanyang ineendorso.

Bale ang pino-promote ng Beautederm ngayon ay ang Reverie Line of Beautederm Home na mga bagong essential products na pinakilala sa amin ni Rhea.

Leave A Reply

Your email address will not be published.