Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sey mo Elmo? Janine inilantad ang kabastusan ng ex-jowa

0 101

Sa recent You Tube vlog ni Janine Gutierrez, may ipinagtapat ito na naging karanasan sa kanyang ex-boyfriend.

Ang special guest niya ay ang kanyang Lola o Mamita na si Pilita Corrales. Naikuwento ni Janine ang hindi magandang experience niya dahil nagulat daw siya na alam ng lola niya.

Ang siste, mukhang mas nauna pa si Janine na ma-“ghosting” as compared to Bea Alonzo. Wala namang binanggit si Janine kung sino ang ex niyang ito at kailan, pero siyempre, may mga nag-isip agad na baka raw si Elmo Magalona.

Bago ang boyfriend na si Rayver Cruz, si Elmo ang kilala o alam ng publiko na naging ex niya. Ang tanong na sinagot ni Janine mula sa Mamita niya ay kung ano raw ang craziest na nagawa nito because of love.

Kuwento ni Janine, “Feeling ko, he wanted to break-up with me na, pero hindi niya magawa. So parang he just stopped talking to me.

“And then, we’re here (house ni Mamita), for a Sunday dinner. And then, I was eating there in the table and then, dumaan ka, and you said, Janine, are you still with the guy and then I was, ‘yeah, yes Mita!!!’

“And then you said, because I heard, you texted him and you called him but he doesn’t replied to you for seven days. Oh my God, para ‘kong nabuhusan ng malamig na tubig!”

Hiyang-hiya raw siya sa Mamita niya nang mabuking siya na dinededma siya ng ex-boyfriend.

Sey pa niya, “This is so embarrassing! My lola is Mamita, hindi niya ‘ko pinag-aral at alam mo yun, hindi ako minahal ng pamilya ko para hindi ako replayan ng guy!”

Natauhan lang daw siya at brineyk na nga ng formal ang ex-boyfriend dahil sa sinabi sa kanya ng lola niya.

Sa isang banda, puring-puri naman si Janine ng mga netizen. Kitang-kita raw kasi na marespeto at mahal na mahal nito ang Mamita niya. Kasabay rin sa pinuri si Lotlot de Leon na halatang maganda raw ang naging pagpapalaki sa anak.

Toni humagulgol sa kwento ni Candy

Nag-trending naman sa You Tube ang recent vlog ni Toni Gonzaga kunsaan, ang dami niyang napaiyak sa naging interview niya kay Candy Pangilinan.

Twenty four hours na mula nang i-upload ni Toni, pero nasa top 17 pa rin ito mula sa nakabilang sa Top 10 trending sa mga first few hours at umabot na rin ng mahigit 1.2 million ang views in less than one day. Nakita rin namin na ang daming nag-share ng vlog niyang yun at ang daming na-inspire at naiyak.

Tungkol sa pagiging ina ni Candy sa kanyang anak na si Quentin. Open naman sa publiko ang kondisyon ng anak na lagi rin featured sa kanyang YouTube channel at Tiktok account.

Benta ‘yung kuwento ni Candy na nasiguro niyang nambabae ang asawa nang makakita siya ng bra na alam niyang hindi kanya.

Ang dami rin nag-post nang sabi ni Candy, naging lesson niya sa nangyari sa buhay niya. Ayon dito, “Don’t compete, don’t conform, don’t compare. So your life will be satisfied and content.”

Maging si Toni ay naging emotional at naiyak habang ini-interview si Candy.

Mga anak nina Jennica, Alwyn kinanta ang paghihirap

At dahil nga opposite ang content ng vlog ni Toni at ng kanyang kapatid na si Alex Gonzaga, ang huli ay more on prank at pagpapatawa, si Toni ay mga in-depth, serious conversation sa kanyang nagiging guest.

Nabasa namin ang comment sa Instagram ni Jennica Garcia. May nagta-tag kay Toni at nagre-request na interbyuhin daw nito si Jennica para sa vlog nitong “Toni Talks.”

Hindi naman itinago ni Jennica na may mga pinagdadaanan siya ngayon at tila nauwi rin sa hiwalayan ang kasal nil ani Alwyn Uytingco.

Kasama ni Jennica ang dalawa nilang anak na sina Mori at Alessi. May tanong na ang dalawang anak niya kung bakit parang ang layo raw ni Jesus at hindi nila nakikita ang winu-worship nilang God. Kaya kumanta ang mga ito ng “10,000 Reasons” para marinig daw sila ni Jesus sa heaven.

Very close silang pamilya dati at sanay ang dalawang bata na present ang both parents nila. Kaya siguro, may mga tanong na rin ang mga ito sa present situation ng family nila.

Habang si Alwyn naman, nag-IG stories na miss na miss na ang dalawang anak niya. Sey niya, “I miss you too much Mori-chan” at “Tatay loves you very much Alessi.”

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.