Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sey mo Darna: ‘Wag tayong mag-away-away – Nadine

0 894

Bukod kay Sarah Geronimo, hinahanap din ng mga Kapamilya supporter si Nadine Lustre, na isa sa mga namayagpag sa ABS-CBN. Nagpakita na nga kasi sa rally, noise barrage sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, pati na sina Liza Soberano, Enrique Gil.

Pero, nasaan na nga ba si Nadine, pati na si James Reid?

Isa nga ba si Nadine sa pinatatamaam ni Angel Locsin?

At heto nga, madaling araw ng Lunes, naglabas ng kanyang nararamdaman si Nadine. At marami ang pumuri dahil sa panawagan niya na sa halip na mag-away-away ay magkaisa dapat ang lahat.

Heto nga ang pahayag ni Nadine:

“Gaya ninyo, Kapamilya rin ako. Gaya ninyo, natatakot ako sa mga nangyayari. Gaya ninyo, nalungkot din ako para sa 11,000+ na taong nawalan ng trabaho. Gaya ninyo, umiiyak ako para sa sariling bansa. Dahil gaya ninyo, Pilipino din ako.

“Kasama ako sa laban na ito. Patuloy na tumutulong at nagdadasal sa kabila ng pagluluksa.

“Sana ay ibaling natin ang atensiyon natin sa mga bagay na nararapat pagtuunan ng pansin. Pakiusap, huwag tayong mag-away-away at maghati. Wala na tayong oras.”

Ang pakiusap ba na ito na Nadine para naman kay Angel, na pinatutsadahan, binira ang mga artistang nananahimik, at hindi masyadong nagpapakita ng suporta sa ABS-CBN?

Well…

Direktor napamura dahil sa ‘Praybeyt Benjamin’

Direktang pinatutsadahan ni Direk Erik Matti si Vice Ganda dahil sa entry nito na Praybeyt Benjamin sa Metro Manila Film Festival sa December.

“Bagsak na nga ang pelikula, sumara na ang ABS-CBN, Praybeyt Benjamin pa rin palabas sa Pasko? Walang nagbago a! Kinangkina!” ang sabit ni Direk sa kanyang Facebook.

Well, gaya nga nang paulit-ulit na sinasabi ni Vice, na gusto lang niyang magbigay ng kaligayahan sa mga fan.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.