Una sa Balita

Sey mo Billy? Coleen walang atrasan sa lampungan, hubaran

0 848

abante-paistaran-dondon-serminoHindi mangingimi si Coleen Garcia, misis ni Billy Crawford, na sumabak pa rin sa matitinding halikan, love scene sa kamera. Marami nga ang nag-aakala na baka hindi na puwede si Coleen sa mga sensitibong eksena, ngayong Mrs. Crawford na siya.

“May mga stories na hindi talaga matatanggal ‘yon. Like for example, if it’s a love story, o mag-asawa kayo, hindi mawawala ‘yon, siyempre part of the story talaga ‘yon.

“Pero depende rin talaga, how far, at kung worth it talaga ang story para tanggapin ko. Kasi minsan kung mag-iinarte ako sa ganiyan, ikakasira rin ng story. Pero depende pa rin sa project,” sabi ni Coleen.

Aprubado ba talaga ni Billy ‘yon? Nagpapaalam ba siya sa mga gusto niyang gawin sa harap ng kamera?

“Yeah, lahat naman pinag-uusapan namin. Not because I’m asking for permission, but because I’m asking for his opinion,” sabi ni Coleen.

Kunsabagay, kahit nga sa social media ay game na game pa rin si Coleen na magpa­kita ng kaseksihan. Tulad nga raw ngayong summer na may mga pasabog na naman sila ni Billy. Hindi raw siya pinagbabawalan ni Billy na maglantad ng katawan.

“Siya kasi ang nagdi-direct, eh. Hahahaha! Siya ang kumukuha ng picture.
“Kaya okey naman. Kasi he understand naman where I’m at as a woman, kasi I embrace my floss, my body, I embrace e­verything about me.

“At siya naman as a man, he doesn’t stop me from doing that.”

Paano sila nagri-react sa mga bastos na komento sa IG?

“Yeah, pero nasa tao naman ‘yon. Kahit naman anong isuot ko, may disres­pectful comment pa rin naman ang iba. Hindi talaga mawawala ‘yon. And I don’t believe na we should adjust base on the feedbacks, or the reactions, or the comments of other people,” giit pa ni Coleen.

Kunsabagay, mas marami naman ang nag-i-enjoy.

“Ako nag-i-enjoy, ‘yun ang importante. At si Billy nag-i-enjoy.”

Si Billy ba hindi niya naeengganyo na magpa-sexy sa pictorial?

“Hindi eh. Pero one day, abangan natin. Hahahaha!

“‘Pag bumalik na siya sa gym. Hindi kasi talaga siya ma-gym. Tina-try ko everyday. May gym na nga kami sa bahay, ayaw pa rin niya. Pero, as long as he’s healthy.

“Pero nu’ng nag-start kaming mag-date, 200 plus pounds siya, or almost 250. Ngayon almost a 100 pounds na ang nawala sa kanya. So, mga 150 pounds na lang siya.

“Nag-stop na siya from drinking alcohol. Tapos healthy eating. Hindi siya nagwu-workout, ha! Ang galing nga, eh. Kailangan lang talaga bantayan ang kinakain!” sabi ni Coleen.

Anyway, under contract na nga ngayon si Coleen ng Viva Artist Agency, at dahil Viva artist din si Billy, malaki ang chance na magsama sila sa pro­ject. Medyo asiwa lang si Coleen kung isang sexy movie ang ipagagawa sa kanila.

Hindi raw niya ma-imagine ang husband niya na gumawa ng sexy scene sa harap ng kamera. But of course, bet daw niyang makasama ang mister niya sa aktingan.

Siyanga pala, kahit nasa Viva na si Coleen, ang maging Kapamilya pa rin ang type niyang gawin sa buhay niya in the future. Sanay na raw siya sa ABS-CBN, kaya mas gusto niya na kung gagawa siya ng project ay sa Dos pa rin.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy