Una sa Balita

Sexy star mabenta sa mga politiko

0 2,063

abante-anything-goes-jun-lalinInteresting ang kuwento ng isang kaibigan tungkol sa isang teleserye sexy star!

Hindi lang sa mga viewer mabili si teleserye sexy star dahil pati sa mga politician, in na in siya, huh!

Girlfriend daw ngayon ng isang mayamang politician (madatung siya dahil napakarami niyang mga negosyo) si teleserye sexy star.

Ikinagulat daw ng isa pang kila­lang politician-businessman ang bagay na ‘yon.

It turned out na kaya nagulat si second politician-businessman na karelasyon pala ni first politician-businessman si teleserye sexy star ay dahil nauna pala niyang nakilala si girl.

Si second politician-businessman pala ang gumastos sa debut noon ni teleserye sexy star.

Naikuwento nga raw ni se­cond politician-businessman sa isang showbiz friend ang tungkol doon, kaya ngayon, mara­ming mga nakakaalam na ng tungkol doon.

Anyway, pareho namang matinik sa chicks ang dalawang politician-businessmen kaya hindi naman na siguro nila pag-aawayan pa si teleserye sexy star, ‘noh?!

Ruffa unang  Pinay cover ng  Malaysian mag

 

Ang alam ko, ngayon ang uwi ni Ruffa Gutierrez mula sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Nagpunta si Ruffa sa KL para sa Christmas party ng Unreserved Media.

Ang nasabing media company rin ang publisher ng Unreserved glossy magazine kung saan si Ruffa ang cover girl for their December issue.

Bale si Ruffa ang first Filipino na na-cover sa magazine na ‘yon.

Kilala si Ruffa sa KL dahil sa E! Asia family reality show nila na It Takes Gutz to be a Gutierrez.

Hindi pa matuloy-tuloy ang 6th season ng It Takes Gutz to be a Gutierrez dahil mukhang si Annabelle Rama at ang kanyang mga apo lang ang available para roon.

Pare-parehong may ginagawa kasi sina Ruffa, Richard Gutierrez, Raymond Gutierrez, Sarah Lah­bati at si Tito Eddie Gutierrez, kaya hindi nila maharap ang mag-shoot para sa family reality TV series nila for E! na ipinalalabas sa more than 22 countries!
Ang payo ko nga pala kay Bisaya, dapat isi­ngit nila ni Ruffa at ng kanyang mga apo ang paggawa ng 6th season.

Siguro naman sa kanilang dalawa pa lang, at sa mga batang kasali roon ay interes­ting na kaya dapat lang na magkaroon na ‘yon ng new season, huh!

Pamilya Roces  tatapusin  na sa Dec. 14

Sa December 14 na ang finale night ng Pamilya Roces ng GMA 7.

Nagdesisyon ang mga taga-Kapuso network na tapusin na ang nabanggit na series.

Happy naman daw ang GMA 7 big bosses sa takbo ng nasabing series, pero may naisip silang bagong series na kailangan na nilang ipalit doon.

Ang veteran actress na si Gloria Diaz na gumaganap na isa sa mga misis ni Roi Vinzon sa Pamilya Roces ay wala naman daw problema kung magtapos man ang nasabing series.

May offer na raw kaagad sa ABS-CBN si Ms Gloria.

Ang balita ko, ipapasok daw siya sa isang existing series ng Kapamilya network.

Wow, ang bilis!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy