Una sa Balita

‘Sexy’, ‘Pogi’ umasa kay Digong, nganga

By
0 669

HINDI kasama sa mga ieendorsong kandidato sa Senado ni ­Pangulong Rodrigo Duterte ang tatlong pambato ng Hugpong ng Pagbabago ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Ito ay sina senatoriable Jinggoy Estrada o mas nakilala sa tawag na ‘sexy’, Bong ‘Pogi’ Revilla at journa­list Jiggy Manicad.

Nabatid sa Palasyo na huli na umanong nagdesisyon ang tatlong senatoriable kaya hindi naisama sa tiket ng ruling party na Partido Demokratikong Pilipino-Laban (PDP-Laban).

Inihayag ito ni Pangulong Duterte makaraang tanungin kung bakit hindi kasama sa inendorso niya sina Revilla, Manicad at Estrada.

Sinabi ng Pangulo na halos isang taon niyang binuo ang ­senatorial line-up ng partido pero matagal aniyang magpasya ang tatlong personalidad.

Naging tahimik lamang aniya ito dahil ayaw niyang ilantad agad ang mga magiging manok ng administrasyon.

“Too late. They gave me the signal too late. Actually, about almost a year ago I was already forming the ticket. But I just played dumb. Hindi ko naman sinasabi. Ganunman talaga,” anang Pangulo.

Nabanggit din ng Pangulo sa proclamation rally ng PDP sa ­Bulacan na bagama’t itinaas niya ang kamay ni Estrada sa isang event ng mga opisyal ng barangay sa Albay ay hindi niya ito ieendorso.

“Nandoon siya eh. Alang-­alang naman na hindi ko siya… Even for just one single day masabihan mo ng kandidato mo 13 lahat. What is that to a friend? We know that he has suffered. We know that he was in prison,” paliwanag ng Pangulo.

Kabilang sa mga iniendorsong kandidato ng PDP ni Duterte ay sina Maguindanao Rep. Zajid Mangudadatu, ex-Philippine National Police chief Ronald Dela Rosa, ex-presidential aide Christopher Go, Senator Aquilino Pimentel III, at ex-presidential political adviser Francis Tolentino.

Suportado rin ni Duterte sa Hugpong ay sina Senador Juan Edgardo Angara, Joseph Victor Ejercito, Cynthia Villar, ex-senator Pia Cayetano, at folk singer ­Freddie Aguilar.

Sa panig naman ni Jinggoy, ­nirerespeto aniya niya ang desisyon ng Pangulo.

“I respect the recent statements made by President Duterte and the decision of the PDP-LBN on their preferred senatorial bets. With or without the endorsement of the President, I will continue to be an ally of this administration,” reaksyon ni Jinggoy.

Gayunman ay hindi aniya mababago nito ang suporta at tiwala niya sa gobyernong Duterte.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy