Una sa Balita

Sexy photos ni Ash Ortega, ikinagulat ni Enrico

By
0 57

First teleserye ng TV commercial model na si Enrico Cuenca ang Super Ma’am at tinambal siya sa Kapuso actress at TV host na si Ash Ortega. Na-excite raw si Enrico sa unang pagsabak niya sa teleserye acting.

“So far, ang saya naman sa set ng Super Ma’am. I play a young math teacher sa school nila Ash at magkakaroon siya ng crush sa akin.

“Very cheesy ang mga eksena naming dalawa. Typical boy-meets-girl type. Hopefully, we get the audience to root for our tandem,” sabi ni Enrico.

Nakita rin daw ni Enrico ang mga bikini photos ni Ash sa Instagram at nagulat daw siya sa daring side nito.
“She’s so sexy pala. I never thought na she could be that daring din.

“There’s more of Ash that I need to know about. But since we met noong January, we keep in touch. Lalo na ngayon na magkasama pa kami sa TV at sa movie na ginagawa namin under Direk Jose Javier Reyes.”

Magkasama sila ni Ash sa horror film na The Spirit of the Glass 2: The Haunted kunsaan co-stars nila sina Benjamin Alves, Maxine Medina, Daniel Matsunaga at Janine Gutierrez.