Una sa Balita

Sexy photo ni Dominic pinagtawanan nina Billy, Gretchen

0 1,925

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyInulan ng kantiyaw si Dominic Roque nu’ng mag-post ito ng mga sexy photo niya na underwear lang ang suot. Naka-semi-back-sided profile si Dominic sa photo, habang hawak ang magkabilang garter ng brief niya.

Tunay namang napaka-sexy ng photo ni Dominic na topless din sa pagkaka-pose niya. Litaw ang ma-muscle na dibdib nito at ang kanyang flat tummy.

Kuha ang larawan para sa bagong ad ng Bench underwear, kung saan isa si Dominic sa mga celebrity endorser. Takaw-pansin ang posting ni Dominic dahil sa caption niya.

“Excuse me… may problema po ba? #Paisalangs #BenchEveryday @benchtm @benchbodyph,” sey niya.

Ilan sa mga nangunga sa pagkantiyaw ay ang mahusay na photographer na si Marked Nicdao, “Pasabog si gago lol!”

Sumunod ay si Billy Crawford, “@markednicdao pasabog wag na magpa-inject sa part ah @dominicroque biro lang hahaha.”

Sumawsaw rin ang boyfriend ni Angel Locsin na si Neil Arce. “Panira ka ng gabi.”

Nag-comment din si Gretchen Ho, “Ah, ito pala.”

Naaliw naman si Dominic sa mga komento ng mga kaibigan niya kaya puro halakhak lang ang reply niya sa mga ito.

Pero siyempre, pinuri rin ni Billy si Dominic sa maangas na pic nito.

“Oo para sa mga lalaking katulad ko na pina-follow ka hahaha good job,” sabi pa ni Billy.

 

 

Liza, Enrique nag-goodbye kiss kay Bangkay

Nagpahayag ng kanilang lungkot para sa yumaong character actor na si Bangkay sina Liza Soberano at Enrique Gil. Masisilip sa Instagram photo gallery ni Liza ang mga larawan niya na kasama si Bangkay.

“Tito Bangky I wish I could’ve hugged you one last time. May you rest in peace. I love you! We all love you,” sabi ni Liza.

Sa posting naman ni Enrique makikita rin na kasama niya sa dalawang larawan sa isang frame sa IG wall niya si Bangkay. Ang isa ay hinahalikan pa niya sa pisngi ang character actor.

“Paalam Tito Bangks we lost a good one today. Goodbye kiss from Xander.”

Kuha ang mga larawan nina Liza at Enrique na kasama si Bangkay sa dati nilang teleserye sa ABS-CBN 2, ang “Forevermore.”

 

Boylet ni Paolo palaban sa hubaran

May bagong boylet na naman si Paolo Ballesteros. Sentro na naman ng tuksuhan si Paolo Ballesteros matapos nitong iposte ang kanyang larawan sa Instagram na kasama ang isang cute guy sa resto.

“Siopao and steaks @i_lovegab,” ang caption ni Paolo sa photo.

Bagama’t wala namang paramdam si Paolo na may namamagitang romansa sa kanilang dalawa ng lalake, nagbigay agad ng konklusyon ang mga follower ng “Eat Bulaga” host na may relasyon nga ang dalawa.

Hindi naman kataka-taka na ma-in love si Paolo sa nasabing lalake dahil kung titignan ang IG profile nito, maituturing na hunk o macho ang lalake. Na base sa IG ay Kenneth Gabriel Concepcion ang name.

Sa iba pang detalye, nakasulat sa ilalim ng name, ni Kenneth na isa siyang Nurse, Agent, Sales, Lover at Righteous.
Isang certified yummy guy si Kenneth na makikita sa ilang mga topless photos niya.

Palaban din sa hubaran ang lalake, isang katangiang puwedeng pumukaw sa imahinasyon ng mga bading at babae.

May mga pasaring nga lang ang ibang follower ni Paolo na huwag na itong mag-dyowa ng mga lalakeng may mga tattoo.