Una sa Balita

Sexy actress tinikman si guwapong bagets

0 528

Nu’ng unang mag-show sa isang malaking bansang pinamumugaran ng mga kababayan nating manggagawa ang isang sexy actress ay may naganap na kababalaghan.

Masaya ang show, putok na putok ang mga kalokahan ng sexy actress sa audience, pagkatapos ng palabas ay inimbita ng mga producers ang buong grupong naging matagumpay ang concert.

Kuwento ng aming source, “Napansin na lang ng mga nandu’n na masyadong busy ang sexy actress sa pakikipag-usap sa isang guwapong bagets. Talagang ayaw niyang tantanan ang guwapong guy, tinabihan pa nga niya, kaya lalo siyang napansin ng grupo.

“Uminom ang tropa, pero hindi naman ‘yung klase ng inuman na hanggang sa malasing na sila at gumulapay, social drinking lang ‘yun. So, talagang dikit na dikit ang female personality sa napaka-guwapo naman kasing b­agets!” ‘yun ang umpisa ng kuwento ng aming impormante.

Uwian na, may nanalo na, kailangan nang magpahinga sa hotel ang mga performers. Meron pa kasi silang kasunod na show kinabukasan na sa ibang city naman.

Patuloy ng aming source, “Aba, nu’ng sumasakay na sa van ang mga performers, e, nakita nilang kasama na ang lalaking kinokyondi-kyondi ng sexy actress!

“Pinatulog niya ang kanyang alalay sa ibang hotel room, sila ng guwapong bagets ang magkasama sa room! Nagtagumpay ang sexy actress, walang nagawa ang guwapong bagets sa imbitasyon niyang magtabi sila nang magdamag!

“Natural, alangan namang naglaro lang sila ng scrabble, silang dala-wa siyempre ang nag-iskrabulan! Pulang-pula na naman ang hasang ng hitad na babaeng parang laro lang para sa kanya ang mga ganu’n!” tawa nang tawang kuwento   aming source.

Kinabukasan ay nasa hotel lobby na ang lahat, pinakahu-ling bumaba ang sexy actress, masaya pero mukhang pagod na pagod.

Biniro siya ng isang ko-med-yanteng kasama ng grupo, “Naku, kung ganyan naman kasarap ang exercise, e, hindi ko rin ‘yun tatanggihan!”

Ang sagot ng masayang sexy actress sa biro sa kanya, “Korek! Napa-kasarap na exercise, todo na ‘to!”

Ha! Ha! Ha! Ha!

Jimmy Bondoc tikom na ang bibig

Pahupa na ang bagyong Jimmy Bondoc. Nagmukhang ewan ang one-hit-wonder singer sa kanyang mga rebelasyon, pinupog siya ng mga artista ng ABS-CBN, pati ng kanilang mga tagasuporta.

Hindi siguro naisip ng male singer na ganu’n pala ang k­ahihinatnan ng kanyang sigaw. Pakakainin pala siya ng ampalayang hilaw at sariwang apdo ng mga taong sadya man o hindi ay nasagasaan niya.

Hindi naman kasi talaga pinapalakpakan ang mga taong humihiling ng pagbagsak ninuman. Ke establisimyento man o tao, walang puwang sa isang sibilisadong mundo ang kagustuhan nating makitang nagsasarado at bumabagsak ang taong ayaw natin, tulad din ng ABS-CBN na kinasasabikang makitang nagsarado na ng male singer.

Mas pupurihin pa ng ating mga kababayan ang isang sintunadong singer kesa sa magaling ngang kumanta pero masama naman ang intensiyon at gustong mangyari.

Pero kung ipinagtanggol man ng kanilang mga nasasakupan ang network ay naging daan din ang sigaw ni Jimmy Bondoc para makahanap ng pakikisawsawan ang ilang personalidad na tulad niya ay naghihimutok din sa istasyon.

Isali na natin sa bilang ang isang may edad nang male personality na matagal ding naglingkod sa Dos. Du’n nabuo ang kanyang pangarap para magtagumpay sa linya ng pagsasalita sa harap ng mikropono.

Nakikisali ito sa kar-nabal ngayon. Kung anu-anong impormasyon ang inilalabas nito kontra sa network. Madaling intindihin ang matanda nang male personality, wala na kasi ito ngayon sa gitna ng laban, sa salitang kanto ay isa na itong La Ocean Deep na ang ibig sabihin ay laos.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy