Una sa Balita

Sexy actress takot maligo, puno ng kuto ang ulo

By
0 2,923

Takot sa tubig. Ganu’n kung ilarawan ng kanyang mga kasamahan sa grupo nu’n ang isang sexy actress. Kaya raw niyang makipagsabunutan nang wagas na wagas pero pagdating sa tubig ay lumulutang ang kaduwagan ng female personality.

Natural, dahil takot sa tubig ang sexy actress ay bigay na bigay nang tamad siyang maligo, hindi mo rin siya mapagbababad sa pagsu-swimming dahil malaki nga ang takot niya sa tubig.

Kuwento ng isang dati niyang kasama, “Lalo na kapag sa ibang bansa ang shows ng grupo nila, talagang du’n nakikita ng mga friends niya ang sobrang takot niya sa tubig dahil sobrang lamig.

“May hot and cold water naman sa hotel, pero kung bakit hindi pa rin siya naliligo, palagi lang siyang nag-i-spray ng pabango. Nagrereklamo na nga ang mga kasama nilang make-up artist at hairdresser.

“Puro oil na ang buhok niya, ayaw nang tablan ng blower. Ayaw nang sumunod dahil sa sobrang dulas! Tapos, meron pa siyang problemang lisa, ‘yun ang nakakaloka!

“May mga lisa siya, kasi nga, meron siyang kuto! Kaya habang pinaplantsa ang hair niya, putukan nang putukan ang mga lisa niya!

“Isang friend niya ang nag-recommend ng mabisang gamot na pamatay ng mga kuto, pero inaway pa niya, huwag daw siyang pinakikialaman! Nakakaloka ang babaeng ‘yun!” napapailing na kuwento pa ng aming source.

Kaya ang tanong ng marami, ‘yun kaya ang dahilan kung bakit sila naghiwalay ng isang kilalang dancer, nabuking kaya ng lalaki na marami palang lihim sa kanyang ulo?

Sabi nga ng matatanda, kung marami nang kuto sa baryo, di lalo na sa bayan!

Gabby walang karapatang magtampo sa magandang relasyon nina KC, Kiko

Walang karapatang magtampo si Gabby Concepcion kung kay Senador Kiko Pangilinan man itinag (tagged) ni KC Concepcion ang isang napaka­gandang litanya tungkol sa pagiging ama na ipinadala ni Ogie Alcasid.

Walang-wala dahil alam naman ng publiko ang kuwento ng pagiging mag-ama nila. Ni hindi nag-effort si Gabby na hanapin ang kanyang anak. Parang dumumi lang ang aktor at pagkatapos ay wala na.

Ipinagmamalaki pa nga ni Gabby na ang kanyang mga anak ang naghanap sa kanya, iba raw ang lukso ng dugo, mas matimbang daw ang dugo kesa sa tubig.

Si Senador Kiko na ang kinagisnang ama ni KC, ito ang nagparamdam sa kanya ng pagmamahal ng isang ama na drawing lang para sa kanya, dalaga na si KC nang magkaisip na makipagkita kay Gabby sa Amerika.

At para sa kanyang sarili ang ginawang hakbang ni KC, kumbaga ay kinumpleto lang niya ang jigsaw puzzle ng kanyang buhay, napakahirap nga namang mabuhay nang kulang ng isang piraso ang pagkatao mo.

Nakakapag-isip lang ang pagiging ama ni Gabby. Ang kanyang anak kay Sharon, kay Grace Ibuna at Jenny Syquia, ang tatlong bata ang naghanap sa kanya.

Napakahirap ka­yang gawin ang paghahanap sa sariling dugo at laman? Napakalaking abala kaya sa kanyang buhay ang hanapin ang mga produkto ng ipinunla nito sa iba-ibang babae?

Kapag may ina o amang nananawagan kay Raffy Tulfo sa Wanted Sa Radyo para makuha ang kanilang anak ay si Gabby Concepcion ang naaalala namin. Inutang lang nila ang pamasahe papunta sa Maynila makapagsumbong lang sa sikat na radio-anchor makuha lang ang kanilang anak.

E, bakit si Gabby Concepcion? May pera naman ang aktor, may sapat na panahon para makita-makilala ang kanyang mga anak, pero hindi naman nito ginawa at pinaglaanan man lang ng oras?

Haaay, naku!